Alas-sais na ng gabi ng maalimpungatan ako, nakatulog pala ako ulit pagkatapos kong kumain kanina. Naririnig kong may kumakalampag sa kusina kaya kahit mabigat ang ulo ko ay tumayo ako para sana sumilip pero hindi ko napansin yun basa sa sahig namin kaya nadulas ako sa harapan ni Grey, mabilis naman ang pagsalo nya saakin kaya pati sya ay na-out of balance, ang masakit pa nun tumama pa yung noo namin sa isat isa.
"Ouchhhh!!!" mariin ang hawak nya sa ulo nya habang ang isang braso nito ay nakaalalay saakin. Konting dipa na lang ang agwat naming dalawa at sa hindi ko malaman na dahilan ay tinitigan ko lang ang kanyang mukha, gwapo talaga ito si Grey e.. teka bakit bumilis ang tibok ng puso ko? Ilang segundo ko ding pinagnasa ang mata ko dito pero agad din akong umiling. No! Imbes na maawa ay tinampal ko pa ang braso nito.
"Aray ko din!" bahagya ko syang tinulak at tuluyan na akong tumayo, hawak-hawak ko pa din ang noo kong tumama dito.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" hawak pa din nito ang ulong nasaktan.
"Ikaw ang bakit pa nandito? Di ba pinaaalis na kita?" bahagya akong umiwas ng tingin dahil sa naging pwesto namin kanina.
"Mahiga ka na ulit doon at matatapos na tong niluluto ko sige na!" napangiwi na lang ako.
"Kaya ko naman na e..!"
"Sige na oo na kaya mo na! Hayaan mo mamaya kapag nilalamig ka pababayaan na lang kita." tingnan mo ugali nito. Napalingon ako sa ibabaw ng ref kung saan ko nilalagay ang celphone ko. Padabog ko yung kinuha at saka binuksan. Marami ng text doon galing kay Best, kay Shane, kay Ms. Lea at kay Sir Andrei??
"Oh my! Magaling na ako!" napatili ako sa sobrang kilig. Tiningnan naman ako ng masama ni Grey kaya mas nilakasan ko pa ang pagbabasa ng text ni my loves. "Get well soon little kitten, take care of yourself. Pagaling ka for our party. See you!"
"Wala namang nakakakilig sa text ni Sir ah! Kinikilig ka pa doon e may Jane na yun."
"Ewan ko sayo basta ako kinikilig ako. Diyan ka na nga!" umalis na ako dahil baka ma-high blood na naman ako sa isa na 'to.
Pagkatapos akong dalhan ni Grey ng pagkain ay nakatulog na ulit ako, kahit papano ay nakatulong saakin ang text ni my loves..hihi bigla tuloy akong nagkaenergy. Naalimpungatan ako ng magaalas-singko ng umaga. Nakita kong tulog na tulog pa si Grey sa upuang nakatabi saakin habang hawak ang kamay ko, sweet din nito e.. Pero no spark talaga. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nito at inabot ko ang celphone kong nasa ilalim ng unan ko.
Magaan gaan na ang pakiramdam ko pero hindi ko pa ata kayang pumasok. Agad kong binuksan ang celphone ko para sana itext ang my loves ko pero nagulat ako ng makita ko ang mga text na alam kong hindi galing saakin.
"Si Grey po ang nag aalaga skin ngaun Sir, buti nga po nandto sya e!"
"Sweet talaga sayo ni Grey, sinagot mo nb?"
"Malapit n po :-)" malapit na????? hinayupak talaga! Sabihin ng bastos ako pero talagang tinampal ko ang likod ni Grey para magising sya.
"Gumising ka!" sunod-sunod kong yugyog sakanya.
"Aray!" nagmulat ito at saka ko iniharap sakanya ang celphone.
"Sinong may sabi sayong makipagtextmate ka kay Sir Andrei??!"
Uminat pa ito na parang inosente. "Ang ganda mong bumati ng good morning!" tumayo ito atsaka nag-ayos ng sarili.
"I hate you Grey! I hate you!"
"Iinitin ko na lang yung niluto kong sopas para makapag almusal ka na. Uwi narin ako para makapasok na ako mamaya tutal padating na si Shane."
"Umuwi ka na nga at wag ka ng babalik dito!" gigil kong sigaw sa mokong na 'to. Patay malisya pa itong kumibit balikat. Buset talaga! Humiga na lang ako at nagtalukbong ng kumot sa sobrang inis.
I really hate him! Bakit pa sya pinanganak sa mundo???
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...