"Best pansin ko lang parang iba ang tingin sayo ng trainer natin." napalingon ako kay Stef habang nagsasalansan kami ng mga stocks. Isang linggo pa lang kami ni Stef dito sa shopping mall na ito, pasalamat nga kami at parehas kaming natanggap na magkaibigan.
"Sino?" kunot noo kong tanong.
"Sino pa ba e di si Greycus!"
"Naku! Wag mong binibigyan ng malisya yung mga tingin nun." kibit balikat ko, oo mapang akit ito tumingin pero hindi sya yung type ko kung hindi yung supervisor na nag orient saamin. Andrei daw ang pangalan.
"Pssst...Crystala halika dito." speaking of the devil andito na sya sa harap namin, tumayo ako at sumunod dito. "Sabi ni Sir Andrei dito ka daw sa toy section maaasign kasama ko."
"E si Stef Kuya?" kinukuya ko talaga sya syempre mas nauna sya saakin dito e..
"Wag mo akong kinukuya ang bata bata ko pa. Sa infant section sya." tiningnan ko sya ng masama pero kinindatan nya lang ako, aba feeling 'to ahh.
"Bakit hindi kami magkasama?" ngumuso ako, kainis mahihiwalay ako kay Best.
"May reklamo ka?" tumaas pa ng bahagya ang mga kilay nito kaya napailing na lang ako. "Mamaya sabay tayong maglunch tapos pag uwian na hintayin mo ako."
"Bakit?"
"Ihahatid kita, from now on ganun na ang routine natin okay?" napakunot ang noo ko, ano daw? routine?
"Teka nga lang Mr. Trainer bakit po ganun ang magiging routine natin?"
"Basta yun ang gusto ko, sundin mo na lang." 0_o hano daw? Ano 'to sapilitan??
"What?? Sino namang nagsabi sayong susunod ako sayo?"
"Wala pero yun ang gagawin mo kung ayaw mo matanggal agad dito." kalmante lang itong sumagot, hmm pananakot na ito ha!?
"Alam kong bago lang ako dito pero sana wala namang ganyanan kuya." kumamot na ako sa ulo ko e ano kung nakakaturn off ang ginawa kong pag gulo sa buhok ko.
"I like you!" ha? Teka ano daw ulit? Ang bilis naman.
"Pinagtitripan mo ba ko?"
"Hindi kita pinagtitripan bahala ka kung yan ang nasa isip mo basta patutunayan kong totoo ang mga sinasabi ko." bahagya itong lumapit saakin at saka hinawakan ang baba ko, omg! hahalikan na ba nya ako kaagad? "Kahit guluhin mo pa ang buhok mo, ikaw parin ang pinaka magandang babaeng nakilala ko." ngumiti ito at saka ito naglakad palayo. Ang damuho ang kapal ng mukha. I hate him! I hate him! I hate him!
Dali dali kong pinuntahan si Stef ng makaalis ito, tamang tama naman at hinahanap din pala ako nito para mag paalam.
"Best sa infant section daw ako." Ngumuso ako, kainis naman kasi e..
"Ano ba yan akala ko pa naman dito na tayong dalawa."
"Aysus ang drama mo! Nandun lang naman sa dulo ang infant section ah hindi naman ako aalis!"
"Kahit na! Ang layo din kaya nung infant section na yun tapos di pa tayo mag kakasabay ng break time!"
"Ano ka ba keri lang yan! Sabay parin naman tayo uuwi tsaka ang swerte mo nga e ang pogi ng trainer mo, si Grey!" Lalo akong napasimangot.
"Pogi si Grey???! E mukhang nakasinghot ng katol yun lalaking yun e! Akalain mo ba namang sabihan akong 'I like you' " Nanlaki ang mata ng kaibigan ko. Oa..hayst
"Liligawan ka daw nya?? Kabilis naman ni pogi!"
"Ewan dun! Basta sabi, sabay daw kami magbebreak time at sabay kaming uuwi!"
"Ayiieee nakakakilig naman!! O di sige ikaw na ang maganda!" Pumalak palakpak pa ito na tila tuwang tuwa, kabaliktaran ko naman na bwisit na bwisit.
"Hindi nakakakilig best!"
"Grabe ka halika na nga at mag punta na tayo sa office para makapag report." Medyo napangiti na ako syempre baka nandun yung crush ko..hihi
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...