Agad na bumitaw saakin si Grey ng makalabas na kami sa lugar na iyon. Nandito na kami sa abangan ng jeep para makasakay na pauwi. Iisa lang ang sasakyan namin dahil malapit-lapit lang din ang boarding house nito saakin. Hay...oo nga pala malapit lang sya sa tinutuluyan ko kaya kahit taguan ko sya wala parin palang mangyayari.
"Grey bakit ka nga pala nandito?" bigla ko syang nilingon at nakita ko ang pag dilim ng mukha nya.
"Ikaw ang bakit nandito? Gabing-gabi na Tala, bakit ba napaka-desperada mo pag dating kay Sir Andrei?" ramdam ko ang inis ni Grey.
Luh! desperada daw ako? Grabe to ah..nameywang ako sa harap nya. "Hoy! Hindi ako desperada noh! Sinundan ko lang si Andrei dahil gusto kong malaman kung saan na sya ngayon nakatira!"
"Eh! Di desperada ka na nga!" bigla nitong pinara ang jeep na dumaan at dali-daling sumakay syempre sumakay na din ako baka kasi may mga goones na naman na dumating.
"Kung desperada ako dapat matagal ko ng nilandi si Andrei at kung desperada ako bakit hanggang ngayon ayaw mo parin akong tigilan?" dineretso ko parin ang pag ngawa ko ng hindi namamalayang nakatingin na saakin ang lahat ng sakay ng jeep. Nilingon ko si Grey na umiiling habang nagbayad.
I really hate him. Bigla pa ulit itong lumingon at saka ngumisi saakin.
"Anong sabi mo?" tila nang-aasar pa ulit nitong tanong. Grrrrr...Ang hudyo napaka sama nya! Napayuko na lang tuloy ako lalo na nung nagsalita ang matandang lalaking katabi namin.
"Hindi talaga mawala sa mga babae ang magbunganga noh hijo?! Pero bakit ganun kahit ganyan sila hindi parin naman natin maialis ang pagmamahal natin sakanila kahit bungangera sila." Ngumiti pa si Grey dito na tila sumasang-ayon pati narin ang ibang sakay ng jeep. Buset!
Nanahimik na lang ako hanggang sa makababa kami. Dire-diretso akong naglakad at iniwanan ko na ang mokong. Kainis yung mga kasakay kasi namin pinagtitinginan parin ako.
"Tala, wait!"
"Waitin mo mukha mo!" bulong ko, kaasar kasi talaga. Kahit tuloy umuulan sumugod na ako buti na lang at malapit na ako sa bahay ko at wala na syang nagawa ng makapasok na ako sa loob. Hindi ko na sya nilingon baka lalo lang akong maasar hindi ko narin naman sya narinig, sabagay ganito naman talaga sya.
Hindi ko nga alam kung pinagtitripan lang ako ng isang ito e.. I never heard him saying he loves me. Basta sa kilos nya lahat pinadadaan, sa text puro ingat lang naman ang sinasabi o kaya goodnight pero okay narin kasi hindi ko rin naman kering mahalin sya. Bigla namang tumunog ang celphone ko.
"Gudnyt, see u tom." o diba? makatulog na nga lang at bukas ay may kailangan pa kaming iayos para sa surprise party namin kay Ma'm Lea and yes magkakaroon na naman kami ng bonding ng labiduds ko.
Bigla ko tuloy naalala si Ms. Jane. Bakit kaya sila magkasama ni Andrei my loves? No, no, no. Erase, erase, erase. Ano ka ba Tala wag kang masyado mag-isip. Tulog ka na okay? Ikot to the left, ikot to the right. Di ako makatulog siyeeet..sino kayang nag-iisip sa akin? Sir Andrei naman bukas na lang ulit wag mo na akong paka-isipin..hihi..asa >_<
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...