16th Chapter

25 2 1
                                    

Alas-kwatro ang flight ko papuntang Cebu at heto na ako ngayon sa siyudad na talaga naman pa lang nakakahanga pero sabi nga ni Mike medyo malayo-layo pa ito sa mismong lugar nila ni Grey kaya naman luminga-linga ako para hanapin ang sinasabing terminal nito.

Mahigit isang oras pa ang tinahak ko bago ko marating ang mismong bayan na sinasabi ni Mike saakin at ng matanaw ko ang sinasabing palengke nito ay nagtanong-tanong na ako.

"Manang pwede po bang magtanong?" kinulbit ko ang isang babaeng may bit-bit na bilao.

"Unsa man!?" tiningnan ako nito at ngumiti. Luh, ano daw? muli itong nagsalita na lalong ikinakunot ng noo ko. "Asa ka mo-adto??" hindi ko sya naiintindihan dahil wala naman akong ibang alam na lenggwahe kung hindi tagalog kaya nanghula na lang ako ng sasabihin.

"Ate pupunta po kasi ako sa Baranggay Mabolo saan po ba sakayan?"

"Mabolo man? Didto ka masakay." tumuro ito sa gawi na may mga parang tricycle na nakaparada. Tiwala naman ako kay ate kahit hindi kami nagkakaintindihan kaya ngumiti ako sakanya at yumuko. "Salamat po."

Feeling ko para akong bumibyahe papunta sa dulo ng pilipinas. Napakalayo at nakakapagod pero magaganda ang paligid infareness. Tumingin ako sa relong suot ko, seven thirty na pala. Sinipat ko ang paligid na dinaraanan namin, ito yung sinasabi ni Mike na tulay na mukhang mahuna na at sa pangatlong kanto ay pwede na daw akong bumaba. I-sa, da-lawa, tat- para po!" tila nagulat ang ma'ma sa bigla kong pagpara, napakamot pa ito sa ulo pero ngumiti din naman. Agad akong bumaba at tinanaw ko ang sinasabing maliit na court ni Mike at laking pasasalamat ko ng matagpuan ko iyon. Buti na lang at madali kong nakikita ang lahat ng turo ni Mike. Isang batang lalaki ang napagtanungan ko doon. "To saan ang bahay ni Grey Cuevas?"

"Ayun po!" salamat at naintindihan ako ng bata, sinipat ko ang simpleng bahay na itinuro saakin nito at umupo muna ako sa harapan noon at nag-retouch. Syempre magkikita na kami ni Grey, i'm so excited ^_^ Hmmm...

Patayo na sana ako ng biglang may lumabas na maliit na lamok este bata pala sa may gate na yun.

"Sino ka?" napangiti ako dito, ang liit kasi nito at ang tinis ng boses.

"Hi batang lamok!"

"Hindi ako lamok!"

"Joke lang yun, nandiyan ba si Kuya Greycus mo?"

"Hindi naman tayo close jinojoke mo ko!" napatahimik ako sa asta nitong bulinggit na ito, aba parang matanda e.. pumameywang pa ito saakin at saka itinaas ang kilay sabay biglang tumawa. "Joke lang din po! Nasa loob po si Kuya Grey ikaw po ba girlfriend nya?"

Unti-unti akong napangiti dito pero nawala ulit iyon ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Pinky pumasok ka dito!" Natulala ako ng magtama ang mga mata namin ni Grey. Bigla kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mata ko. Shems..bakit ang gwapo nya? Naka t-shirt lang naman syang puti at maong shorts pero bakit tinutunaw nya ang puso ko? Sumunod naman ang batang kausap ko dito. "H-hi!" nginitian ko sya ng ubod ng tamis pero wala lang iyon sakanya. Nakatitig lang sya saakin na parang gusto nya akong kainin ng buhay.

"Anong ginagawa mo dito?" nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusto ko syang yakapin, gusto kong sabihin na namimiss ko na sya pero walang lakas ang mga paa ko para lumakad papunta sakanya.

"G-grey ahhh...k-kasi p-pinababalik ka ni Ma'm Ailah satin." tanga ko talaga, gosh!!

"Kung pumunta ka lang dito para pabalikin ako sa trabaho pwes umuwi ka na dahil hinding hindi na ako babalik doon! Nag aksaya ka lang ng pag punta dito." tumalikod na ito at naiwan akong tulala. Ano na? Ang layo ng nilakbay ko tapos hindi man lang ako inalok kahit tubig? Ganun na lang iyon?

"Miss pasok ka baka abutin ka ng ulan diyan." Nagulat ako sa sumungaw mula sa pinto, isang babaeng humahawig kay Grey. "Ako nga pala si Violet, ate ni Grey and you are?"

"Tala po." kumaway ito kaya dumiretso ako sa loob at agad kong hinanap si Grey pero wala na ito doon.

"Hi Ate Tala! I'm Beige!" nagulat ako ng sumilip pa ang isang cute na babae sa isang kwarto. Makulay ang mga pangalan nila ah.. Violet, Grey, Pinky at si Beige. Wala bang Green at Blue..hihi

"Hello!" napadako ang mata ko sa matandang lalaki na nakangiti saakin. "Magandang gabi po, pasensya na ho kung ginabi ako."

"Wala iyon hija! Saan ka pa nanggaling nyan?"

"Sa Manila pa po."

"Tingnan mo si Kuya Grey, sa Maynila pa pala galing si Ate Tala tapos hahayaan lang sa labas. Tsk..Tsk.." napangiti na lang ako sa sumingit na si Beige.

"Excuse muna." nagulat na naman ako ng makita ko na naman si Grey, nagkibit balikat naman ang dalawang magkapatid saka umalis, ganoon din ang Tatay ng mga ito na dumiretso muna sa palikuran.

"Ano ba talaga ang pinunta mo dito Tala?"

"Grey ako ang sinisisi ng lahat kung bakit umalis ka, sige na naman bumalik ka-

"Hindi na nga ako babalik doon, mabuti pa umuwi ka na habang hindi pa malakas ang ulan." Taboy nito na nakakunot parin ang noo.

"Gutom na ako!" aba sobra na itong lalaking ito ha! Hindi man lang ako alukin kahit tubig.

"Hindi ko kasalanan kung magutom ka! Hindi ko rin naman sinabing pumunta ka dito. Umuwi ka na dahil final na yung desisyon ko! Hindi na ako babalik doon!." tinalikuran na naman ako nito kaya naman hindi na ako nakatiis, inisang hakbang ko sya at saka ipinulupot ko ang kamay ko sa bewang nya. Yes, I hug him.. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko ng yakapin ko sya.

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon