5th Chapter

25 2 0
                                    

Masakit ang ulo ko kinabukasan ng magising ako, sinipat ko ang orasan alas siyete na pala. Dapat naliligo na ako pero hindi ko yata kayang tumayo. Naulanan kasi ako kagabi nung tinakbuhan ko si Grey, napangiwi ako ng maalala ko na naman ang lalaking hinayupak.

Pinilit kong umupo para kumuha ng gamot sa bag ko, wala kasi si Shane kaya wala akong kasama sa bahay.

"O hindi ka papasok?"

"Ay! Kabayo!" nagulat ako sa pagsilip ni Grey, oo nga pala wala itong palyang sunduin ako araw-araw. "Nakakainis ka-

"May sakit ka?" agad itong lumapit para kapain ang noo ko pero umiwas ako.

"Pumasok ka na nga, paki sabi na lang na hindi ako makakapasok." assusual kahit ata tutukan ko ito ng baril ay hindi parin 'to susunod saakin, mas lumapit pa nga ito saakin at kinapa ang noo ko.

"Mataas nga ang lagnat mo, diyan ka lang ha!?"

"Hoy! Kaya ko, iwan mo na ako!" ahhh nanlalamig na ako, ang mokong lumayas na sa harapan ko at pagbalik may dala ng bimpo at gamot.

"O uminom ka na."

"Sabi ng kaya ko na e.." inirapan ko ito pero wala parin iyon dito. Pinilit ako nitong ihiga at saka dinampian ang mukha ko ng bimpo.

"May sakit ka na nga matigas parin ang ulo mo." napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong magagawa, isa pa magaan din naman sa pakiramdam ang ginagawa nya. "Gusto mo bang kumain?" umiling ako, bigla akong nanlamig at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla kong hinawakan ang kamay ni Grey.

"G-Grey!" ramdam kong nagchichilled na ako sa lamig kaya agad na tumayo si Grey para kumuha pa ng kumot at agad na binalot saakin. "G-Grey w-wag m-mo akong iwan." sigaw ko ng maramdaman kong umalis ito.

"Hindi kita iiwan, nandito lang ako." narinig kong sabi ni Grey saka muling dinampi saakin ang bimpong dala nya. Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko kaya naman ako na mismo ang kumawit ng braso ko sa bewang nya. "I'm here, i'm here." narinig kong bulong nya. "May sakit ka na kasi nagtataray ka pa." naramdaman kong humiga si Grey at wala na ako sa wisyong magalit dahil sa panlalamig na naramdaman ko, naramdaman ko din ang banayad na paghalik ni Grey sa noo ko kaya mismong ako na ang sumiksik sa dibdib nya and it feels good kaya tuluyan na akong nakatulog.

**************

Nagmulat ako na wala na si Grey sa tabi ko, medyo magaan na ang pakiramdam ko pero bahagya parin akong sinisinat. Iba kasi ako mag kasakit tipong pang emergency, ewan ko ba.

"Gising ka na pala?" sinalubong ko ang tingin ni Grey na may dala-dalang soup. Bigla akong napayuko ng maalala kong niyakap ko ito kanina, gosh! nakakahiya! muli ko pang ibinalik ang tingin ko sa katawan nito. Infareness okay ang body nya pero sana si Andrei my labs ang katabi ko kanina. "Kumain ka na muna bago mo pagnasaan ang katawan ko." napasimangot na naman ako sa sinabi nito.

"Feeling ka naman! Bakit hindi ka pumasok?"

"Pano ako papasok e kanina lang panay ang sabi mong wag kitang iwan." ngumisi pa ito ng nakakaloko kaya lalo akong napasimangot agad kong dinampot ang bimpo at mabilis kong ibinato iyon sakanya.

"Ang yabang mo! Pasensya na ha kinukumbulsyon na ako kanina kaya ang tingin ko sayo si Sir Andrei ka na!" nakita ko ang pagsimangot nito. Yes! nagtagumpay akong inisin sya.

"Tinawagan ko si Shane bukas pa daw sya makakauwi kaya sabi ko dito muna ako matutulog para may kasama ka."

"No need I can manage! Akin na nga yang soup gutom na ako." inabot nito iyon at saka ko inalalayan pero pumiksi parin ako. "Kaya ko okay!?"

"Mabuti pang kinukumbulsyon ka atleast hinahanap mo ako." umiling ito atsaka timalikod. Luh aalis na kaya 'to? ang arte ko kasi e...

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon