Kasalukuyan akong umiinom ng hot chocolate ng may kumatok. Dalawa lang kami dito sa boarding house ni Shane. Dati ko syang kaklase at ngayon ay sa may Alabang din sya nagtatrabaho kaya naisipan na lang namin na magsama sa isang unit.
Napabuga ako ng hangin ng makita ko si Grey sa labas. Mokong talaga!
"Bakit nandito ka na naman?" aga-aga kakairita pero niluwagan ko naman yung pinto para makapasok sya. Bakit nga ba hindi e may dala na naman itong paborito kong enseymada.
Ewan ko ba kung bakit ganito si Grey saakin. Madalas ko syang inisin at pagsungitan pero nandito parin sya saakin, pero wala parin akong maramdaman sakanya.
"Bakit ka nga pala pinatawag ni Sir Andrei kahapon? Pinagalitan ka ba nya dahil tsismosa ka?"
Binato ko sya ng hawak kong kutsara. O diba? Napakasadista ko? Buti na lang nakailag ang mokong. "Hindi ako tsismosa noh! At ako pagagalitan ng loves ko? Di siguro noh!" nakita kong napailing si Grey.
Ganito lang si Grey. Naalala ko tuloy yung sinabi nya nung umpisa. Bagong bago pa lang ako noon at sya ang nag-guide saamin ni Stef after ng ilang months bigla na lang syang nagsabing "I like you and from now on liligawan na kita. I'll do everything to make you mine." tinawanan ko lang sya nung time na yun pero sineryoso nya yun. Nakakainis at the same time dahil binakuran na nya ako kahit sinabi ko sakanyang friends na lang kami.
Magtetext yan tuwing gabi ng 'goodnight' tapos sa umaga 'goodmorning' tapos araw-araw susunduin ako, araw-araw ihahatid ako. Actually nasasawa na ako sakanya kahit ilang beses ko atang ipaliwanag sakanya na tigilan nya ako ay hindi nya yun gagawin pero mamaya huwag kayong maingay dahil tatakasan ko na itong mokong na ito pinagbigyan ko lang ngayon may dalang enseymada e...hihihi >_<
"May surprise party nga pala tayo kay Ma'm Lea." maya-maya'y sabi ko habang pangal pangal ko ang enseymada. Napalingon ako sakanya dahil hindi sya sumagot. Naku! Tinititigan nya ako! Unti-unti na itong tumayo sa kinauupuan nya. Takte! wala pa naman si Shane. Sisigaw na ba ako? Malapit na sya, ayan na!!
"Para kang batang kumain ng tinapay," bahagya nyang pinagpagan ang pisngi ko na puno ng asukal atsaka dumiretso sa lababo. Nakahinga na ako ng maluwag..haha..sorry naman assuming lang.
"Saan daw gaganapin ang party?"
"Mamaya daw pag-usapan daw natin ni loves."
"Kaya pala naka make-up ka ng makapal."
Bigla ko tuloy sinipat ang mukha ko sa salamin. Ganun ba talaga ka-kapal ang make up ko para mapansin nitong mokong na ito? "Hindi naman noh! Tara na nga malelate na tayo e.." Infareness hindi ako nakatingin ng diretso sakanya at bakit ba tila nahiya din naman ako sa ginawa kong make-up sa sarili ko. Hahaha..
"Mas maganda ka kapag simple ka lang."
"Hindi ko kailangan ng suggestion mo or ng violent reaction mo. Tara na!" hinila ko na ito palabas ng bahay at nagpatiuna na ako sa paglalakad dito.
*************
"Best parang awa mo na, itago mo na ako kay Grey. Pagtinanong nya kung nasaan na ako sabihin mo nag cr lang ako okay?"
"Hindi okay! Aray!" tinampal ko kasi sya sa braso, ang sweet ko noh?
"Dun ako sasakay sa sinasakyan ni Andrei my loves ko."
"Aba! Taga Muntinlupa yun baka naman naloloka ka na Crystala!" pinandilatan pa ako ng aking inay Stef pero nginitian ko lang sya.
"Matagal na akong naloloka kay Andrei my loves noh!" bigla akong napalinga sa paligid ko baka kasi biglang sumulpot ang mokong na si Greycus e..
"Ewan ko sayo!" umiling na lang si Stef saakin at iniwan na ako, kahit kelan naman e hindi nya ako napigilan sa gusto ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng tuluyan sa exit ng mall. Wahhh! I'm free! Natakasan ko din si Greycus sa wakas! Agad akong nagtago sa isang poste ng makita ko sila Andrei my loves kasama si Ms. Jane. Bakit nya kaya kasama ang babaeng ito? Kainis ha!? Heto na naglalakad na sila papuntang sakayan.
Look to the left, look to the right. Nandito na ako sa likuran ni Andrei my loves.
Sinundan ko sila hanggang sa sumakay sila ng jeep. Sumakay din ako sa kasunod na jeep at kahit naka palda ay pumwesto ako sa unahan para madali ko silang makita. Bahagyang alam ko ang pinagparahan ng dalawa kaya naki-para narin ako. Tago dito tago doon. Aba teka bakit hindi naghihiwalay ang dalawang ito?
Nagulat ako ng biglang lumingon si Andrei sa gawi ko buti na lang may pagka assasin ako..hihi. Mabilis kong naikubli ang sarili ko sa isang poste. Sexy ako guys kaya hindi talaga ako nakikita pag sa poste ako nagtago.
"Hi Mish! Bakit ka nagtatago diyan? ha? Wala ba shi boyfriend mo?" nagulat ako sa lasing na lalaki na palapit na saakin kaya agad akong lumabas sa pinagtataguan ko.
"Gosh! Nasaan na ang my loves ko?" nagpalinga-linga ako. Anak naman ng tinapa ang bilis namang nawala ng mga yun!
"Mish!" naalala ko ang lasing na lalaki kanina, dagdag pa na may mga tambay doon na nakatingin na saakin. Luh! nakaramdam na ako ng takot kaya luminga-linga ako kung saan ako kanina dumaan.
"Diyos ko po San Roque, San Pedro, San Lazaro!" ganito talaga ako kapag takot na lahat ata ng Santo natatawag ko. Tanga ka talaga Tala! Hindi mo na alam ang daan!
Naglakad ako kahit sa hindi ko alam kung saan patungo na daan. "Sto. Nino, San Juan, San- Aray!"
Napaangat ang mukha ko sa katawan ng lalaking nakabunggo ko. "G-Grey?" maluha-luha na ako at tila gusto ko ng yakapin ang knight and shining armor ko pero seryoso lang ang mukha nito ng akbayan ako.
"Mga pre girlfriend ko 'to ako ng bahala dito!" nagsitango naman ang mga lalaking kanina lang ay tila gusto na akong pagsamantalahan.
"Sa susunod pre wag mo hahayaan ang girlfriend mo! Maganda pa naman!" sigaw pa ng isang lalaki na tinanguan na lang ni Grey.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Greycus Cuevas
Teen FictionNever ignore a person who loves you, cares for you and misses you because one day you might wake up and realize you lost the 'MOON' while counting the stars. In love si Crystala sa Supervisor nila sa trabaho kaso nabroken sya ng malaman na may girlf...