30th Chapter

17 1 0
                                    

Nandito na ako sa kwarto namin nila Ate Let, inayos ko na din yung mga gamit ko ng paunti unti pero bigla namang pasok nila Ate Let kasama si Pinky.

"Oh Tala tara na at maligo na ulit tayo!"

"Oo nga po Ate!" napangiti ako kay Pinky, syempre bawal ipahalata ang kaartehan ko.

"Sige po Ate susunod na po ako." sagot ko na lang.

"Sige na po Ate, wag ka na pong mag senti dito sa loob." sabay kaming natawa ni Ate Let kay Pinky, alam nya talaga ang salitang senti ha..

"Hindi po ako nag sesenti. Sige na po susunod na ako." ginaya ko pa ang matutinang boses nito.

"Te halika na!" napalingon ako sa tumawag na si Grey pero agad din akong yumuko.

"Eto na! Si Tala na lang hintayin mo, mauna na kami ni Pinky. Sumunod na kayo ha?!"

"O-Opo." sagot ko na lang tapos unti unti akong lumingon kay Grey kaso napayuko ulit ako nakatitig kasi sya sakin e..

"May problema ka ba?" tanong nito na mukha na namang seryoso.

"Ha? Wala ah.. Ahh tawagan ko muna sila Shane, kanina pa ako tinetext e.." napilitan akong tumayo at mag patiuna. Gusto ko mang kausapin si Grey at mag tapat pero para saan pa? Ayoko na, wag na siguro.

"Kelan ka ba uuwi?" tanong ni Stef saakin. Oo tinawagan ko sila para naman mapalagay na loob ko.

"Bukas ng tanghali." napangiwi ako.

"Para mas maging okay ka, Go! Kausapin mo si Grey sa huling pag kakataon, pero-- pero ha?! Wag mo ng aminin feelings mo!" napatango ako sa sinabi ni Shane.

"Oo mag sorry ka na lang sa ginawa mo sakanya and pasalamat ka na tinanggap ka parin nila dyan despite of your kagagahan!" bait talaga ni Steff mag advice.

Inikot ko ang eyeballs ko kasabay ng malalim kong pag buntong hininga."Oo sige mga best!"

Matapos ko silang makausap ay sumunod na ako sa dagat at nakihalubilo kila Ate Let. Syempre kasunod ko si Ralph at panay ang alalay saakin. Nandun sila Grey at Shaira kasama ng ibang barkada nila at pansin ko hanggang ngayon ay hindi sila masyadong nag kikibuan.

May kasalanan nga kaya ako kaya sila nag kakatampuhan? Tama sila Shane, for the last time kakausapin ko si Grey. Gusto kong humingi ng tawad sakanya at mag paalam na din.

Nalibang ako ng yayain ako nila Ate Let mag videoke, lalo na at feel na feel kong kumanta ngayon. Kung hindi nyo natatanong singer ata ako sa banyo. Hahaha!!

"Ako ang nagkamali at

hindi na kayang ibalik

tumingin ka sa aking mata

pagsisisi ang nadarama

nais ko lang sabihin

sanay di pa huli ang lahat

patawarin mo sana

o giliw di ko sinadyang

ikaw ay malimutan at masaktan

pang damdamin mo ohh mahal ko patawad.."

"Teka para kanino ba yang kanta mo na yan?" napahinto ako ng kanta ng mag tanong si Tatay.

Ano ba yan, obvious ba?

"Si Tatay talaga! Kanta yan sa movie ni Piolo yung 'The Breakup Playlist'!" napangiti ako kay Ate Let, buti na lang talaga andito to lagi para saluhin ako. Nakatingin na kasi lahat sila sakin lalo na si Grey.

"Opo tay favorite ko po kasi si Piolo." kunwari'y tawa ko tapos kinindatan pa ako ng pasimple ni Ate Let kaya lalo akong napatawa. Muli kong nilingon ang pwesto ni Grey tapos natanaw ko itong papunta na ng kwarto kaya dali dali akong nag paalam kila Tatay, sabi ko mag cr lang muna ako.

Inayos ko ang sarili ko habang nag lalakad, isa isa ko naring inisip ang mga dapat kong sabihin dito para kahit papaano ay di ako ma bulol sa harap nya.

Natanawan ko si Grey na huminto sa isang babaeng nakasandal sa puno, si Shaira pala na parang umiiyak. Ano ba kasing meron sa dalawang ito? Bahagya akong nag tago sa isang kubo na nandoon at nakinig muna ko dito.

"Sorry.." narinig kong sabi ni Grey tapos niyakap nya si Shaira na umiiyak parin. Aray!

Nakita ko kung pano amuin ni Grey si Shaira na panay ang iyak at siguro sa mga oras na ito ay naayos na nila kung ano man ang problema nila na dapat hindi ko na ulit guluhin pa.

Loving Mr. Greycus CuevasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon