-Another Worst Day-
Pumasok ako ng bugto na mata at sinisipon dahil sa pag iyak ko kahapon. Wala namn akong pakialam dun sa nangyari kahapon e. Dahilan ng pag iyak ko ay ang pagkawala ng pinakamamahal kong nanay. Kahapon umuwi ako ng gabi at nung pagka bukas ko ng pinto ay nakita ko si nanay na naka bulagta sa sahig at wala ng malay.
Nang unti unti kong pagmasdan ang katawan ni nanay ay unti unti ring pumapatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Di ko mapigilan ang mga luha sa mga mata ko di ko kaya patigilan ang mga luha ko.
Kung pwede lang na itigil ang mga luha ko. Ginawa ko na! Pero di eh.
Flashback
"Nay! Nay! Nay! Andito na ho ako"
Pagsabi koNang sabihin ko yun. Nakakarinding katahimikan ang bumalot sa paligid ng bahay namin. Di ako mapakali kaya tumawag ulit ako.
"Nay! Nay! Andito na ako!"
Pag ulit koNang hindi ako matinag hinaloghug ko ang buong bahay. At nakita ko ang walang malay na nanay ko. Napa hagulgol ako habang pinag mamasdan ang katawan nya. Hawak ko ngayon ang katawan nyang madaming dugo.
Nang lumipas ang ilang oras ay tumayo ako at tumawag ng tulong sa labas pero sa kasamaang palad walang taong tumulong sakin.
Bumalik ako ng bahay para tingnan ang nanay ko. Yakap yakap ko sya habang ako ay patuloy na naiyak. Kinantahan ko ang nanay ko ng paborito naming kanta at nag kukunwaring nakikinig ito sa mga awit ko.
Isang nagbubusinang sasakyan ang nagpatigil sa aking pag kanta at pag yakap sa katawan ng aking ina.
Habang ako ay palabas pinupunasan ko ang mga luha ko sa pisngi ko.
"Martin? Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ko
"Im just visiting you!" Aniya