-Question-
"Bakit naisipan mong sumali dito sa contest" nabasa ko sa maliit na papel na kanina kong binuksan.
Isip here.
Isip there.
Isip everywhere.Ma'gashh!! Wala ako maisip!!
UTAK!! Nasaan ka?1.... 2.....3......4.......5.......6.......7.........8........9........10
Lub. Dug. Lub. Dug. Lub. Dug. Lub. Dug.
Tiningnan ko ang mga tao na nasa harap ko at nag imagine na sina mama at papa lang ang mga yun. Pagka bukas ko ng mga mata ko napangiti ako ng makita na nandito si mama at papa.
Muli kong binuklat ang papel na nakalukot at binasa. Unti unting bumuka ang mga bibig ko para magsalita.
"Bakit nga ba ako sumali dito? Simple lang pinilit nila ako ditong sumali para daw manalo sila e hindi ko nga alam na kung mananalo ako e. Pero gagawin ko yung best ko para manalo at maipagmalaki ang section namin. I thank you" I smiled at them and do a pose. Pakk ganern!! Diretsahan ako diba? Haha.
Pagkatapos kong sumagot dali dali akong tumingin sa harap ko at bumaba ang bibig ko ng makita ang kanilang ekspresyun. Di ko alam kung natutuwa ba sila? O naiiyak? O nagiging proud dahil magaling ako? O kaya nagagalit na sila sakin?
Wahhhh!! Pumikit nalang ako at unti unti na may narinig ako ng palakpakan. Sumilip ako saglit at nakita ko sila na nagpapalakpakan maliban lang sa tukmol.
"Good job, Casey" ma'am said while clapping her hands.
"I like you. Realtalk ka. Pero galing haha"
Sabi namn ng mama ni tukmol at pumalakpak din.Na-shookt ako dun ah. Hahaha di ko sila masisisi talaga naman kasing magaling ako.
"Okay. Let's move on, next is you can now try to wear your gown and the swimsuit" sabi ng mama ni tukmol na nagpabingi sakin.
Tama ba ang pagkakarinig ko? S-W-I-M-S-U-I-T!!? Wth!? Never in my life nagsuot ako ng swimsuit. As in yuckk!! Di naman ako nandidiri pero ang sakit sa mata makakita ng naka swimsuit. Duh!!
"Bakit po may involved na SWIMSUIT dito!? Hehe" sabi ko sa dalawa na matandang nasa harap ko at pinag diniinan ko talaga yung SWIMSUIT para dama.
"Swimming wear yun ija" pagpapaliwanag nya at nilabas ang isang box mula sa bag nya.
"Ayy okay po hehe. Pero pwede naman pong di ako magsuot nun diba!?" Nahihiya kong sagot at nagtawanan ulit ang dalawang matanda na nasa harap ko.
"Hahahaha Ija!! You're the one of the contestant you should be wear it" sabi ng mama ni tukmol. At sa tingin ko HB na sya haha.
"Kahit labag man sa loob ko magsusuot nalang ako ng nakakadiring suot na yan" sabi ko at kunwari na naluluha.
"It's swimsuit not nakakadiring suot. Tss idiot!" sabat ni tukmol.
"For your information, sir!! Alam ko na swimsuit yun. At pangalawa sa lahat di ako IDIOT!! Pang huli ikaw kaya magsuot!!" pang bawi ko sa sinabi nya sakin.
"Tss" sagot ni tukmol.
"Hays. Kaysa na mag away kayo. Dj, kumuha ka muna ng makakain sa cafeteria. Casey, ija isuot mo na yang swimsuit" ginawa ko agad yung inutos ni tita. Haha tatawagin ko ng tita baka lalong mag HB sya. Hehe.