-Memories-
"Keila bakit ka andyan sa isang tabi? Sabihin mo sa akin kung may problema!" Sabi ng lalaki na nakatayo sa harap ko
"Wala! Umalis ka na! Dun ka na sa trisha mo! Mag sama kayo!" Asik ko
"haha ayun ba? Wala yun. Ay ang Keila ko nag seselos" pangamgasar nya sa akin
"Nagawa mo pa talagang tumawa ah! Pwes bahala ka dyan ka na sa trisha mo. Sama kayo!" Sabi ko sa lalaki at tuluyan na ng umalis
"Uy uy Keila ko. Ang cute mo pala mag selos. Paalala ko lang di ko gusto si trisha. Pangalawa ikaw lang, diba nangako tayo na di tayo maghihiwalay. E larang ikaw na agad buminitaw?" Sabi nya na ikinaiyak ko
"Ikaw naman kasi. Pinag seselos mo ko dun sa hipon na yun! Pwede ba kapag pag seselosin mo ko. Sa maganda. Haha" Sabi ko sa kanya na ikinatawa nya
"Basta Keila pag may problema wag ka mahihiyang mag tanong sa akin ah. Andito ako sa tabi mo para alalayan ka at andito rin ako para alagaan ka. Basta sabihin mo lang na gawin ko yun" Pagpapaliwanag nya
---
May lumalabas na naman sa aking isip. Di ko mapaliwanag parang isa itong MEMORY na nakalimotan ko? Di ko alam.
Sumasakit na naman ang ulo ko.
"Ah! Tulong. Ang sakit!" Sigaw ko
"Casey? Uy anong nangyayari sayo? Anong masakit? Saan?" Pag alala nyang tanong sa akin
"Ah!" Sigaw ko dahil sobra nang kirot ng ulo ko
"Gusto mo punta tayo ng hospital?" Pag tatanong nya sa akin
"Wag na! Kaya ko pa ito." Pagsisinungaling ko
"Hays naku. Sinungaling ka parin hanggang ngayon Keila!" Sabi ni dj na ikipinagtaka ko
"Huh anong sinasabi mo? Sino si Keila?" Pagtatanong ko
"Ah wala yun. Childhood friend ko sya. Kaso nag kahiwalay kami." Pagkekwento nya sa akin
"Pero parang narinig ko na yang pangalan na yan. Di ko lang alam kung saan, sino, paano?" Pagtatanong ko sa sarili ko
"Pls Casey wag ka muna mag isip. Wag ka muna mag kikilos. Baka madagdagan ang sakit ng ulo mo." Sabi nya at inilagay ang ulohan ko sa dibdib nya
"Hayaan mo akong iparamdam sayo na may nagaalala sayo kapag nasasaktan ka! Andito lang ako. Kung kailangan mo ko. Basta sabihin mo lang." Pagpapaliwanag nya at kinuha ang earphones sa bulsa nya at kinuha ang phone nya at ipinatugtog ang musika sa cellphone nya
Nilagay nya sa akin ang isang earphone at yung isa ay nilagay nya sa kanya. Ang tugtog na naririnig ko ay BESTFRIEND.
Sa unang istansa ng kantang naririnig ko ay nakakarelate ako pero di ko alam bakit napaka lakas ng impact ng kanta sa akin.
Sa huling linya sa kanta ay naiyak ako. Di ko alam pero di ko maiwasan na maiyak sa kanta. Pumikit nalang ako at itinulog ang sakit ng ulo ko.
Pagkagising ko ramdam ko ang lambot ng hinihigaan ko at medyo malamig sa hinihigaan ko. Iminulat ko na ang mata ko at tiningnan ang paligid. Laking gulat ko ng makita ko na kasama kong nakahiga dito sa kasama si Dj!