-Jealous Dj-
"D-dj?" Humarap ako sa kanya at ang tanging pagbalik nya sa'kin ay ang kanyang mga ngisi.
Gago talaga. May nalalaman pang pag-ngisi itim itim naman ng gilagid. Kung tutuosin kung 'di ko lang ito ka-partner sa contest hindi ako matatakot na sabihan syang pangit. Mas gwapo at malakas pa nga ang karisma ni martin kaysa kay Dj.
"Yes! It's me" Tinuro nya ang kanyang sarili at pumalakpak-palakpak.
"Gago!" Mura ko sa kanya at hinigit na si Martin.
"Wait.. Wait. Martin parang... May kaylangan kang sabihin sa kanya" Tinuro nya ako at tinaas baba nya ang kanyang kilay habang nakatingin sa'kin.
"Okay, okay. Let me fix this before you get my Keila. Tss" Ani ni martin at dahan dahang kinuha ang braso ko.
Keila ba ang sinabi nya kanina lang? Ako 'yun!? Sabi ni papa ako ang Keila. Binigay lang sa'kin nung dating nanay ko ang pangalang Casey dahil may naghahabol daw sa'kin at gusto akong ipapatay pero ang totoong pangalang ko raw ay Keila 'yun ang sinabi sa'kin ni papa dati.
"Siguro naguguluhan ka na hahaha" Tumawa sya at napahawak sa ulo "Inutusan kasi ako ni Dj na kuhain ka sa building ng mama at alagaan ka para ipunta dito. Uhm sana di ka magalot sa'kin hehe may pinagsamahan naman tayo eh" Ngumiti sya sa'kin.
Kumunot ang noo ko at inisip ang mga sinabi nya.
"So, nagpa-uto ka naman sa tukmol na 'yun?" Napahawak ako sa baba ko at tinignan ang inip na inip na si Dj sa isang store.
"Hindi sa ganun. Kasi may kasalanan ako dun eh" Napakamot sya sa ulo nya at tumawa ng peke. .
"Anong kasalanan?" Medyo hinigpitan ko na ang pagkakahawak ko sa jacket dahil mas lalong lumalamig ang hangin.
"Nasira ko kotse nya nung napagtripan kong suntukin sya. Bilang pagbawi daw ito gawin ko pero Kei-Casey maniwala ka sa'kin hehe" Hindi nya naituloy ang sasabihin nya sa pangalan ko at inambahan sya ng batok.
"Parehas kayong gago!" Linakasan ko pa ang pagkakabatok ko sa kanya at tinapon ko sa kanya ang mga titig ng kamatayan.
Lumakad ako papunta kay Dj na kanina pa inip na inip kakahintay sa'min. Nang makita nya ako umayos sya ng tayo at ngumiti.
'Wag kang ngumiti tukmol mukha kang natatae.
"Aalis na ako" Sabi ko at nilagpasan sya.
Aalis ako? Hindi ko alam ang exit nitong lugar na ito tsaka wala akong dalang pera! Ibenta ko nalang kaya itong jacket? O kaya sumayaw ako ng kpop at maglagay ng baso sa harap ko para maka-uwi. Aish anong gagawin ko?
"Aalis ka? Wala kang pera, sasakyan, gamit at lakas ng loob para bumyahe at isa pa wala kang alam dito, Casey" Humalakhak si Martin ng pagkalakas-lakas kaya nakuha nya ang atensyon ng lahat ng tao. Isa pa itong gago.
Lumingon ako sa dalawa at tumakbo patungo kay martin para ambahan sya ng malalakas na batok.
"Gago ka talaga kahit kaylangan! Arggggggg!" Sumigaw ako sa kanya at pinagbabatok-batukan sya.
"Wahhhh joke lang eh! Niloloko ka lang! Quenginaaa Casey! Masakit na!" Sumigaw sigaw sya dahil sa mga batok ko.
Tumili tili sya at nagtago sa likod ni Dj. Itong si Dj naman ay panay ang pagtago kay Martin at ngumiti-ngiti sa'kin. Gago!
"Kung di ka lang talaga masungit kanina napagkamalan na kitang B.A.K.L.A" Tumawa ako at inasar sya ng bakla dahil sa mga ikinilos nya.
Huminto sya at tumayo sya ng maayos at lumayo kay Dj. Sumeryoso ang kanyang mukha at nag cross-arm.
"Bakla pala ah!?" Tumakbo sya patungo sa'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para pang-gabay. Lumapit sya sa tainga ko at bumulong "Kung bakla ako sayang naman wala kang magiging asawang gwapo. Tss" Humarap sya sa'kin at dahan dahang hinalikan ang malalambot kong labi.
Ramdam ko ang mga kamay nya na gumagala sa tainga ko habang hinahalik-halikan ako. Tumugon nalang ako sa mga halik nya dahil sa pagkakataong 'yun nasasarapan rin ako. Ang malalambot nyang labi ay dumadampi sa aking labi. His kisses was so soft while touching my ear.
Dahan dahan syang tumigil sa paghalik sa'kin at naramdaman ko ang kamay nya na pumulupot sa balikat ko.
"Thank you" Sabi nya at itinukod ang kanyang baba sa balikat ko.
May mga yapak ng sapatos ang umaalis patungo sa posisyon namin. Nakita ko si Dj na lumalayo sa'min habang tuanatakbo. May luhang pumatak sa pisngi ko habang nakikita ko syang lumalayo. No, don't go.
Umalis ako sa pagkaka-yakap ni Martin at hinabol si Dj. Tinitignan ko lang kung saang direksyon pupunta si Dj at patuloy parin syang habulin. Pagod na pagod na ako kakatakbo kaya huminto muna ako at patuloy parin syang hinabol. Tumigil sya sa isang daan at nakikita ko ang magandang view ng taal. Lumapit ako kay Dj at tumabi sa kanya.
"Ang hirap mo habulin" Sabi ko at tumawa tawa habang kinakalma ang sarili.
"Sinabi ko bang habulin mo ako" Sakartikong sabi nya at tinanggal ang jacket nya.
"Kahit na, Umalis ka nalang ng walang paalam eh tapos tatakbo" Nag-unat unat ako at pinagmasdan ang ganda ng view sa tagaytay.
Wala syang naisagot sa'kin kaya tinitigan ko sya.
"Uy! May problema ba?" Tanong ko at itinaas baba ang kamay ko sa tapat ng mata nya.
"Tss" Tinabig nya ang kamay ko at tumitig lang sya sa paligid.
"Dun ba sa kanina, Inaasar ko naman kasi sya eh kaya ako ginanon kasalanan ko rin naman" Pinaglaruan ko ang kamay ko at tumingin sa baba.
"Nagpahalik ka naman? Tss" Di ko inaasahan ang sinabi nya kaya napataas ang ulo ko sa kanya. Sakartiko nya akong tinignan at ngumisi sya ng nakakaloko.
"Hindi naman sa ganun eh. Di ko gisto na halikan nya ako nun bigla sya nun. Ikaw kaya halikan ng biglaan 'di ka kaya makakapalag?" Tanung ko at pinaglaruan ang dila ko.
"Syempre papalag ako sa humalik nun. Biglaan yun tapos madami pang taong nakatingin" He smirk while playing his adam's apple.
Naakit ako sa adam's apple nya. Damn!
Oo nga pala di ko napansin na madaming taong nakatingin habang hinalikan ako ni Martin. Narinig ko pa nga ang mga hiyawan nila eh. Aish ano ba itong ginawa koo!
"Eh kung ito, papalag ka kaya?" Inikot nya ako at hinawakan ako sa beywang habang palapit ang labi nya sa labi ko. Napaawang ang panga ko sa nangyari kaya pumikit nalang ako.
I missed him. I miss his kissess. I miss his hug, his joke, his love.
Hinalikan nya ako at kasabay nun ang paglubog ng araw. Napansin ko rin ang mga presensya ng mga tao na nagpapalak-pakan habang tinitignan kami. May iba rin na nakuha ng litrato sa'min. Ughh mas lalo ko pang diniin ang pagkakahalik ko sa kanya at hinawakan sya sa batok. I loved him.
Habang nasa kalagitnaan kami ng halik naramdaman ko ang ngiti sa mga labi nya. He is happy and I'm happy too. Dahan dahan nya akong tinayo at nilayo ang kanyang labi. Ti-nap nya ang aking ulo at hinalikan ako sa noo. He is really caring.