Chapter 14

29 7 0
                                    

-Eagle Dance-

Papalapit na ng palapit si dj sa akin. Nang maramdaman ko na ang hininga nya na pagkabango bango ay di ko na napigilan na pumikit at hintayin nalang na halikan nya ako.

Ilang segundo rin akong nakapikit at naka nguso sa harap nya pero wala akong naramdaman na hahalikan nya ako. Kaya minulat ko na lang ang mata ko. Pagkamulat ko ay nakita ko syang natawa.

"Hahaha ano ka ba Casey!!" Tawa sya ng tawa at sinabi na..

"Hihintayin kitang maging handa, maging handa na pwede na kitang halikan at mayakap. Dadating ang araw na tayo ay magmamahalan!!" Sabi nya at sabay lumayo sa akin

"Huy huy san ka naman pupunta!? Aber!!"

"Magluluto lang ako para di mo naman sabihin na di ako maalaga sa mga panauhin ko!!"

"Di ko naman sinasabi ah!? Tsaka wag ka na magluto di ako gutom. Ikwento mo na lang yung nangyari!!" Pagpupumilit ko pero pinatuloy parin nya ang pagpunta sa kusina para magluto

"Hayst. Wag muna alamin baka sabihin mo sa sarili mo kakahiya ka. Haha." Pang aasar nya sa akin

Nag uusok na ang ilong ko sa sobrang galit dahil di nya pa rin sinasabi yung nangyari kahapon. Kaya minabuti ko na lang na mag lakad palayo at umalis sa condo ni dj.

"Huy huy. Di ka naman ata tae na malaman no? Ito na nga e. Sasabihin ko na!" Nang marinig ko iyon natigil ako sa paglakad palayo at humarap kay dj

Malaki na humarap pa ako kay dj dahil ngayon ay naka topless na sya. Ang tanging nakikita ko na lang sa kanya ay ang kanyang mga tinapay. Agh! Nakakaakit naman to.

"Huy babae! Wag ka nga mag laway dyan. Alam kong maganda katawan ko pero wag mo naman ipahalata. Hayst." 'Tila medyo napahiya ata ako dun ah. Paano ba naman di man lang magsabi konv maghuhubad sya. Edi dapat nainform ako na wag tumingin. Engot!

"Ang galing naman kasi e noh! Kanina lang nakasuot ka pa ng disente tapos pag harap ko naka ano ka na!" Di ko mabanggit yung maganda nyang katawan dahil baka naman tuksuhin nya na naman ako.

Grow Old With YouWhere stories live. Discover now