-Halik-
Babala: May pagka masilan dito kaya kaylangan ng patnubay ni ate mo miracle!! 😊
Nararamdaman ko na umuurong ako patalikod kaya tumingin ako sa likod ko pero di ko makayanang tumingin sa likod dahil sa mga kamay na nasa tyan ko. Nakakaramdam na ako ngayon ng takot dahil parang may mangyayaring di maganda.
Nang huminto ako pati narin ang nagpunta sakin dito sa likod ng kurtina agad akong humarap para makita sya.
"Dj?!" takang tanong ko sakanya habang tinatakpan ang mga pribado kong katawan. Di pa ako nakakapag palit simula kanina kaya naka-swimsuit wear parin ako.
Binuksan ng maliit ni Tukmol ang kurtina at luminga linga sa paligid, nang makita nyang wala ng tao agad syang tumingin sakin.
"Shhh!! Wag ka mabahala na may gagawin ako sayo" sabi nya at sinimulan na ang oaglapit sakin. (Akala ko ba wala kang gagawin?)
Wala akong magawa dahil nakakulong na ako sa mga bisig nya at diretso lang syang nakatingin sakin. Yung mga titig nya ay parang may mga meaning.
"D..j.? A-a.no... a-ang ga-gaw-win m-mo sa-kin?" pa-utal utal kong sabi sakanya pero imbes na sumagot ay ngumiti lang sya ng nakakaloko at patuloy parin sa pagtitig sakin.
Nagsimula na akong kumawala pero sa lakas nya tingin ko ay wala akong pag-asa na makawala sa kanya. Kinakabahan narin ako dahil sa nakakaloko nyang mga tingin. (Lumaban ka Casey) gusto ko gamitin ang pagiging kalalaki kong galaw pero di ko mailabas.
Si Tukmol itong kaharap ko pero parang walang lumalabas na salita sakin. Kahinaan ko kaya sya?
"Wag ka mag-isip na may gagawin ako sayo. I respect you as a woman" Ani nya at palapit na ng palapit sakin. Nararamdaman ko na ang hininga nya na napaka bango at sobrang lamig.
Parang sinasabi ng puso ko na ilapit ko rin ang mga labi ko pero di ko ginawa. Malapit na sya sa labi ko, palapit na ng palapit at boom!!
H-hi--nalika-n a-ko n-ni D-j?
Ramdan ko na ngayon ang malalambot nyang labi na nakahalik sa mga labi ko. Pumikit ako at rinamdaman ang mga labi nya sa labi ko.
We kissed
Matagal ang labi ni Dj sa labi ko at unti unti nya itong iginalaw. Nabigla ako dahil akala ko ay isang kiss lang iyon pero hinahalikan nya na ako.
Ginalaw nya lang ito ng iginilaw habang ako ay istatwa lang na hinahalikan nya.
"Move your lips" Sabi nya sa kalagitnaan ng paghahalik nya sakin at parang may nang-aakit sa boses nya.
"I can't, di ako marunong sa mga ganyan" humiwalay ako at tumitig kay tukmol.
"Fine" Lumapit ulit sya at hinalikan ako. Mabagal ang paghahalik nya sakin na para bang sinasabi na sabayan ko lang iyon. Sumabay naman ako sa paghalik sakanya.
Ginalaw galaw ko na rin ang mga labi ko at pumikit. Habang rinaramdaman ang malalambot na labi ni dj sa labi ko ay napangiti ako.
Pansin ko na binibilisan ni dj ang paghahalik kaya sumabay lang ako sa kanya. Binilisan ko na rin ang paghahalik sa kanya habang hinawakan ang batok nya at sya naman ay nakahawak sa beywang ko.
Nag-iinit ako. Diniin ko na ang pagkakahawak sa batok ni dj para madiin rin ang mga halik nya sakin. Mahigpit akong yinakap ni dj sa beywang habang hinahalikan ng mabilis.