Chapter 23

11 1 0
                                    

-Truth behind the another Lies-

"Yung tinuturing mo na nanay ay hindi ayun talaga ang nanay mo" sabi nya.

Naguluhan ako dun.

"Hah? Hahaha nagjojoke ka ba brad?" pagbibiro ko sa kanya at pinagsusuntok pa ang gilid ng braso nya.

"Tss"

"Di ka mabiro. Ano nga iyon?" sabi ko at sumeryoso.

"To make the explanation short. 'Yung nanay mo na tinuring dati ay hindi mo talaga totoong nanay. 'Cause you're true mother is my Mother" paliwanag nya.

Hindi ko masyado na-gets sinabi nya pero malinaw sa'kin 'yung sinabi nya na nanay nya ay nanay ko rin.

Kapatid nga kami? Sayang may forever sana kami. Dejoke. Haha.

"Medyo magulo pero sa tingin ko ang gusto mo sigurong sabihin ay na mag-kapatid t-tayu?" sabi ko pero di ko masyado masabi ang salita na magkapatid kami.

"Ang imposible naman kasi" sabi ko at tumulo ang kanina pang nagbabadya na luha mula sa mga mata ko "Alam mo 'yung feeling na masaya na lahat kaso ito eh. Hehe" sabi ko at pinunasan ang kunti sa mga luha ko "Ang OA ko na siguro sa paningin mo noh?" tanong ko sa kanya pero tanging mga matatalas na tingin nya lang ang sinasagot nya sa'kin.

Ang sakit.

"Shhh. You're so very childish!" sabi nya at magbabadya sana syang yakapin ako pero lumayo ako at tinaas ang kanang kamay ko para patigilan sya.

"Hehe. Pwede ihatid mo na ako sa'min? Gabi na kasi tsaka di ko alam pauwi sa'min" sabi ko sa kanya pero bigla nalang na sumulpot si n-nanay? Let say na ang pangalan nya sa isip ko ay BABAE.

"Aalis ka na? Di ko pa sayo nasasabi" bakas sa kanyang mukha at tono ang pangungulila.

"Gabi na po kasi tsaka pinilit naman po ako na ipunta nito" sabay turo kay Rene.

"Hehe segi po. Una na po ako" sabi ko at naglakad na pababa ng hagdan.

"Sandali lang..." sabi nung babae sa'kin.

"Sa tingin ko alam mo na... Pero C-casey anak patawarin mo naman sana si m-mama" sabi nya ng naiyak at pagmama-kaawa sa boses nya.

Humarap ako sa kanya "Actually di ko pa po alam eh. Pwede po bang IKAW nalang mismo mag sabi sa'kin" tinitigan ko sya sa mata at di ko maiwasan na may banda sa puso ko na kumikirot.

I can't see her suffering. I love my mother even if she is a liar.

"Si Nelda ang tinuring mo na ina.. Sya rin ang nag alaga at nag palaki sa'yo" sabi nya.

"Ako naman ang totoo mo na ina.. Pero ako ang nanay mo na pinaka masama dahil binigay kita sa kanya sa panahon na gipit na gipit ako.. Sinabi ko rin sa kanya na gamitin na muna ang pangalan ko para kapag may naghanap sa'kin di nila maisip na iniwan kita.. Sorry anak" sabi nya habang humahangos at hawak hawak ang mga kamay ko.

Umiiyak ako ngayon sa lungkot, galit at pag kamunghi sa kanya. Pero di ko masisisi na ganun ang sinapit nya mapalaki lang ako. Sa tinuring na ina naman salamat sa kanya.

"Pero alam nyo po ba na patay na si n-nanay?" sabi ko sakanya at bigla nalang may tumulo na isang patak na luha sa mga mata nya.

Nasasaktan sya dahil di ko sya matawag na Nanay. Dahil mas sanay ako sa nag alaga at nag palaki sa'kin.

Grow Old With YouWhere stories live. Discover now