-Preparation for the night-
Matapos ang lahat ng subject na nagdaan ay pumunta na ako sa faculty. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin si ma'am na nagtatahi ng gown na gagamitin ko sa contest.
"Hello po" bati ko."Upo ka iha" utos nya sakin at sinunod ko agad yun.
"Ma'am ano na po ba yung gagawin natin?" tanong ko kay ma'am na kanina pa tinatahi yung gown ko.
"Teka lang iha umupo ka muna dyan dahil may iniintay pa tayo para makapag practice ka sa gagawin mong pagrampa sa contest. Para narin sa tamang pagsagot mo ng mga tanong" sagot sakin ni ma'am at itinuloy ang pagtahi sa gown ko.
Napatango na lang ako at inilibot sa buong faculty ang paningin ko. Hmm. Ang ganda ng faculty na ito kahit na kunti ang gamit at luma ang pintura. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtingin sa kabuoan ng faculty ng bumukas ang pinto.
At iniluwal nun si DJ. Ilang segundo kaming nagkatitigan pero ako ang nalang ang unang umiwas. Naalala ko na kaylangan kong lumayo at umaiwas kay dj. Nang makapasok na si dj biglang may isang matanda na babae ang sumunod sa kanya. Mukhang mga nasa 30's na sya. Pero napakakinis ng mga kutis nya at may mapupulang labi, mahahabang pilik mata, singkit na mata, at mahahabang buhok.
"Oh andyan na pala kayo. Maupo muna kayo Mrs. Santos at DJ" naitigil ni ma'am ang ginagawa nya at inasikaso ang mga bisitang dumating.
Di ko maiwasang mapatingin kay DJ at yung nasa tabi nya. Sa tuwing tumitingin ako kay dj laging nagtatama ang aming mga mata.
Mahirap umiwas sa taong ayaw ka iwasan! Ano daw? Hahaha. Humuhugot si gaga! Hahahaha.
Pagkatapos kung makipag usap sa sarili ko bigla nalang may kumalabit sa tagiliran. Alam ko namang sya yun kaya di ko na pinansin. Nang mapansin nyang di ko sya pinansin kaya inulit nya ulit yun, gaya ng ginawa ko kanina di ako kumibo.
Ramdam ko ang pagtigil nya sa pangungulit sakin kaya umupo ako ng maayos. Bigla nalang may uminit sa tenga ko at nay sinabi...
"Di ako sanay" sabi nya ng may pang aakit na boses.
Agh! Wag ka patutukso dyan! Alam mo ang plano. Layuan mo sya kung ayaw mo malagot sa tatay mo!
Lumingon ako sa direksyon nya ngumingiti bilang tugon. Kita ko sa mukha nya ang pag kagulo dahil sa naging tugon ko.
Lumabas si ma'am na may dalang pagkain at kasunod nun ang nanay ni Dj. May hawak syang gown na kaninang tinatahi ni ma'am at takong.
Pagtatakungin nila ako? Wahh ayoko. May phobia ako sa takong. Ayoko ng balikan ang nakaraan!
"Umpisahan na natin" sabi ni ma'am at inayos na ang lahat.
"Una nating gagawin ay ang tamang paglakad mo" pagpapaliwanang ni ma'am at pinalapit ako sa kanya.
"Now make a letter a letter T" sabi ni ma'am na ikinagulo ko.
"Hehe paano po ba yun?" sabi ko na ikinatawa nila pati narin ang kaninang walang imik na si Dj tumawa.
Problema ng mga ito? E sa hindi ko alam mga pinagsasabi nila e! Ayaw ishare ng mga nalalaman. Tsk.
"Okay ganto. Lagay mo kanang paa mo gitna na kaliwang paa mo" pagpapaliwang ni ma'am pero parang di ko na gets. Okay, alam kung slow ako pero parang anggulo namn kasi ng instruction.
Tiningnan ko lang yung paa ni ma'am pero di ko parin magawa. Ganun na ba talaga ako ka slow?
Matagal kung tiningnan kung paano ginawa yung ni ma'am pero para akong ungag dito na pilit ng pilit. Nagulat ako bigla nang naka luhod sa harapan ko si Dj.
Teka bakit ngayun ka lang nag sabi? Mahal rin kita Dj? Yes. I will marry you! Haha asshumera ko~
Hinawakan ni Dj ang kanang paa ko at nilagay sa gitnang bahagi ng kaliwang paa ko.
Ahh ganun pala yun! Haha now i know! Akala ko aayain mo akong mag pakasal e. Haha nasobrahan na ata ako sa pagsinghot ng zonrox at gasoline. Hihihi.
"Ahh ganyan pala yan. Hehe" nahihiya kong pag amin na ikinatuwa ng dalawang babae na nasa harap ko.
"Tsk!" sabi ni Dj at umupo sa sofa.
"Topak" medyo mahina kong sinabi pero sa tingin ko narinig yun ni Dj dahil tumingin sya sakin.
Ahihihi.
"Iha, mag lakad ka nga" utos sakin ng nanay ni Dj at mabilis ko iyung sinunod.
LAKAD here
Lakad there
Lakad pakk everywhere!!Grabehan na ito. Lakad palang pagod na ako paano pa kaya kapag dun na mismo. Ma'gash!!
"Medyo okay na yung lakad mo. Praktisin namn na natin yang pag sagot at act na gagawin nyo ni Dj" dagdag ng nanay ni Dj.
Teka. Act!?
Wth!! Anong act? Di ako na inform!! Kaynis!! Ano gagawin namin dun?"Ano pong Act na yung sinasabi nyo?" Tanong ko.
"Act nyo ni Dj ija. Para iyon sa contest ija. Malalaman mo rin iyon" sabi nya at kinuha ang bowl na madaming papel.
"E saan namm ho yan?" Tanong ko ulit.
"Obvios ba? Tss. Mag isip ka nga. Syempre mga tanong yan. Nasaan ba utak mo? Tss" sabi ni dj na kakagaling lang sa pag kakahiga.
"Kakagising lang paka init na ng ulo. Che!!" Dinilaan ko sya at humarap sa nanay ni dj.
"Mukha kayong mag asawa na nag aaway" sabi nya at inayos ang bowl habang ngingiti ngiti.
Wth!! MAG ASAWA!!? Grabehan na talaga!! Nag sigawan lang. Mag asawa na agad? E kung sigawan ko kaya si JIMIN MA'labss Magiging asawa ko kaya sya?? Hustisya!!
"Tapusin na natin ito nanay ni Dj hehe" ani ko.
"Aww. Call me Tita Aurora nalang. Kaibigan ka naman ng anak ko e"
Duh!! We're not friends kaya!!
Plastic kaya ako haha. Dejoke.
Di ako nakikipag kaibigan sa tukmol."Bumunot ka na nga ija dito haha"
Tatawang sabi ni Na-Tita Aurora.May lahi talagang mga topakin itong pamilya ni Dj.
Di na ako nag intaypa ng pasko kaya bumunot na ako. Habang humubunot ako pinag papawisan ako.
Tug. Dug. Tug. Dug. Tug. Dug.
Puso tigil mo na.
Naka bunot na ako pero di ko muna binuksan baka namn sobrang hirap ng tanung na ito kaya dinasalan ko muna.
Tinapat ko ang papel sa labi ko at hinalikan at binulongan. Naka ilang segundo rin akong bumulong sa papel.
Mukha akong timang!!
"Ija may problema ba? Bakit mo binubulongan yung papel?" Takang tanung nya.
"Hehe wala po ito"
"Weird" komento ni tukmol.
Pakilam mo?
Inggit ka!? Gaya ka!!"Buksan mo na at sagutin mo na yung tanong ija" ngiting sabi ni Na-Tita Aurora sakiin.
Kaylan kaya ako masasanay na tawaging tita yung nanay ni Dj.
Unti unti kong binuksan ang papel na nakatiklop. Nagiginig ako haha.
Isang tiklop nalang!! At makikita ko na ang tanung. Haha di ko ito kayang sagutin.
"Bak--"