Di ko alam.. Oo di ko talaga alam dahil mahal, wala akong alam...
Pasensya ka na mahal kung wala akong alam..
Di ko alam na hinay-hinay ka na palang namamaalam.. Mahal, pasensya na kung may nagawa akong di ko alam..
Kung may nasabi akong di kanais-nais at di ko alam, Kung napaasa kita nang di ko man lang alam.. Kung nasaktan kita at di ko alam.. Pasensya na.. pasensya na dahil ang bagay na alam ko lang.. ay ang mahal na mahal kita... Kaya patawad ulit.. Oo, ulit.. Di ko na alam kung ika ilang ulit na. pero patawad talaga.. Magmukha na akong makulit, pero sana ang pag alis mo'y di nanaman maulit.. Ilang beses na ba kasi? Ilang beses na bang wala akong alam? Ilang beses nang umalis kang di ko alam ang dahilan..? Ilang beses na kitang nasaktan ng di ko alam..? Ilang beses na kitang napaasa nang di ko alam? At ilang beses na ba akong humingi ng tawad ng di ko talaga alam ang dahilan? Isa? Dalawa? tatlo? Mahal patawad pero di ko talaga alam.. Di ko na alam ang gagawin ko.. Ang sakit-sakit na mahal, pero di ko alam kung bakit.. Di ko alam kung bakit hanggang ngayon, nandito ka pa rin.. mahal, nahihirapan na ako pero di ko alam kung bakit wala kang pakialam..mahal.. alam kong kaya ko at kakayanin ko pa.. pero sh*t lang mahal.. dahil di ko alam kung bakit pakiramdam ko, malapit na ako sa salitang pagsuko.. di ko alam.. pero pakiramdam ko, pagod na pagod na talaga ako.. Mahal, patawad.. patawad talaga.. Dahil di ko alam kung ba't humihingi ako ng tawad.. Patawad kasi di ko alam kung kakayanin ko pa ba talaga.. Patawad kasi di ko alam ang lahat.. kasi wala akong alam ni isa.. kaya ang salitang patawad.. ay papalitan ko nalang.. papalitan ko dahil di naman siya angkop sa lahat.. Ang salitang madalas kong banggitin, patawad, pero magiging paalam na.. Kung nasaktan man kita nang di ko alam, napagsalitaan man kita ng di kanais nais at di ko alam, kung napaasa man kita ng di ko alam, mahal wag kang mag alala.. Mahal pa rin kita...
Pero paalam na...
![](https://img.wattpad.com/cover/114598477-288-k493438.jpg)
BINABASA MO ANG
'Santasang Tula
PoetryAng koleksyon na ito ay para sa mga Filipinong manunulat na naghahanap ng lugar para sa kanilang mga akda. Para rin ito sa mga pinoy na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa mayamang sining ng pagsulat sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa n...