Modernong Maria (thegirlbehindtheink)

65 8 2
                                    

Dedicated to thegirlbehindtheink

Hashtag, OOTD
Hastag, with boyfie.
Hashtag, at the bar.
Hashtag, feeling tipsy.
Hastag, nightlife.
Hashtag, new life.
Hashtag, new world.

“Kilala mo ba si Maria?”

Maria?
Sino yun?

Ah…
Siya ba?

Siya ba yung babae sa harap ng salamin?
Yung nakasuot ng maikling shorts at damit din?

Siya ba yung babae galing sa tindahan?
Yung bumubuga ng usok mula sa sigarilyo sa tabi ng lansangan?

Siya ba yung babae diyan sa tabi?
Yung nasa grupo ng mga kabataan na umiinom ng Empi?

Siya ba yung babae na nakasabay ko kaninang hating-gabi?
Yung inumaga na sa pag-uwi, papasay-pasay at wala na sa sarili?

Siya ba yung babae na naririnig kong galit na sumisigaw?
Yung kaaway ang ina niyang pumapalahaw?

Siya ba yung babae na nasa elementarya?
Yung namomroblema sa ireregalo niya sa kanyang jowa?

Siya ba yung babae na sumasayaw sa napanood kong video?
Yung nagagalit sa mga bastos na komento?

Siya ba yung babae sa isang tabi?
Yung umiiyak dahil nagbunga raw ang isang gabing pagkakamali?

Siya ba?

Teka…
Si Maria,
Ang babae sa isang sulok.
Tahimik na pinagmamasdan ang mga kapwa niya babae sa mundo.

Si Maria,
Siya ba yung malungkot?
Dahil kokonti na lamang ang mga katulad niyang ang utak ay hindi baluktot?

Si Maria,
Siya ba na umiiyak?
Dahil sa nangyari sa kanyang mga anak?

Teka…
Nasaan na?
Kanina lang ay nariyan siya.
Teka…
Bakit unti-unti kang nawawala?

Maria? Maria… Maria!
Nariyan ka pa ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Santasang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon