NASAAN ANG PANGAKO (Greenrose)

30 3 2
                                    

Parang kalian lang ng iyong sabihin

Ang nadarama mo para s akin

Nananahimik kong puso ang biglang nagising

Iningatang pagtingian ngayon ay hindi na lihim.

Pilit na itinago saiyo ang damdamin

Ngunit ng dumating ka hindi maiwasan isipin

Kung sana noon ko pa saiyo inamin

Sana ngayon mahal ko tayo ang magkapiling.

Ngayong nandito ka puso ko ay natuwa

Lalo nang iyong sabihing ako'y mahal mo rin sinta

Hinihiling na magtagal ang nadaramang ligaya

Dahil dito sa puso ko'y tunay na mahal ka.

Ngunit bakit mahal ko biglang naglaho

Pagmamahal na sa akin iyong pinangako

Luha at sakit ngayon ang kasalo

Dahil ikaw na nga sa akin ay lumayo.

Sabi mo sa akin hindi ako iiwan

At kahit kailanman hindi bibitawan

Pangakong pagmamahal hindi susukuan

Kahit sino man ang sa atin ay humadlang.

Ngayon mahal ko ikaw ay lumisan

Itinatanong sa sarili, ano'ng aking kasalanan

Bigla kang nagbago, lahat ay kinalimutan

Nasaan ang pangako mong magpakailan man.

'Santasang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon