Dedicated to thegirlbehindtheink
Gusto ko, akin ka.
Ayokong makita ka ng iba.
At nang hindi ka maging marungis,
Manatiling inosente at malinis.
Ayokong galawin ka ng iba,
Ayokong mabahiran ka ng kahit anong mantsa,
Dahil para sa'kin ay mahalaga ka,
Hindi mabubuhay ng wala ka.
Maintindihan mo sanang
Mahal kita,
Ang isasagot ko sa tanong mong 'Bakit?'
Dahil ika'y nasasakal na,
Maintindihan mo sanang
Ang ginagawang ito ay para sa ikabubuti mo rin,
Mahal kita at iingatan,
Iniibig kong...KALIKASAN.
BINABASA MO ANG
'Santasang Tula
PoetryAng koleksyon na ito ay para sa mga Filipinong manunulat na naghahanap ng lugar para sa kanilang mga akda. Para rin ito sa mga pinoy na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa mayamang sining ng pagsulat sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa n...