Bago Mo Ako Bitawan (AgonyAndPain)

45 6 3
                                    


Mahal,

Bago mo ako bitawan maaari mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit mo'ko hinawakan,

Mahal,

Bago mo ako bitawan maari mo bang ipaliwanag sa akin kung para saan ang iyong mga halik, mga hagkan, mga yakap, mga pangako ng walang hanggan, totoo bang minsan mo'kong inibig o iyon ay pawa lamang mga pag papanggap

Mahal,

Bago mo ako bitawan magdala ka ng batsa at maraming pamunas dahil hindi ko maipapangakong hindi bubugso ang aking emosyon, diligan mo ang puso ko ng sarili kong mga luha, subukan mong ipangtahi ang iyong kapatawaran sa bitak bitak kong kamalayan

Mahal,

Bago mo ako bitawan maaari mo ba akong hagkan sa huling pagkakataon, maari mo ba akong kwentuhan sa kung ano nang mga nangayayari sayo gaya ng dati, maaari ba kitang makasamang panoorin ang tala sa kalangitan, maaari bang sa huling pag kakataon sabihin mong mahal mo pa ako.

Mahal,

Kung bibitawan mo na ako, pu'pwede bang huwag muna ngayon.

'Santasang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon