Nag-aabang, nakaupo sa may bintana
Pinipilit gunitain araw nating kay saya
Mga alaala na iniwan mo sa akin
Na nagpapaligaya sa aking damdamin.
Ako'y nananabik na mahagkan ka
Makasama kang muli at mayakap sinta
Sadyang kay lungkot na ito'y pangarap lang
Panahon at pagkakataon ang sa atin ay hadlang.
Kung dumating ang panahong mawala ka sa akin
Pangako balang araw ika'y hahanapin
Aking tutuparin mga pangarap natin
Na sa tamang panahon ika'y maging akin.
Nawa'y manatili pagmamahalan natin
Yan sa maykapal ang tangi kong hiling
Nawa ang damdami'y hindi magbago
Hanggang sa dumating ang tamang oras ng muling pagtatagpo.
![](https://img.wattpad.com/cover/114598477-288-k493438.jpg)
BINABASA MO ANG
'Santasang Tula
PoetryAng koleksyon na ito ay para sa mga Filipinong manunulat na naghahanap ng lugar para sa kanilang mga akda. Para rin ito sa mga pinoy na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa mayamang sining ng pagsulat sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa n...