Mula Sa Dilim Hahakbang (JMuntiKatah)

92 6 4
                                    

Umpisa't wakas magkadikit lam-ang

Waring puti't itim magkabraso la-ang

Masama sa nagkukunwa'y iisa lang

'Nu pang tinalunton ng isipa't pinag-isipan?


'Nung nilalahad ng isipan sa piling ni yaon?

Pagkaripas baga niring kasapakat na lason

Mga kahanay kong sa dilim ay waring isang handog

Ang karariman ng tulaan kong pinupogpog.


Ang dagundong ng nadinig ng yari kong dibdib

Dahan-dahang umakyat gumagapang sa litid

Hanggang sa mausal inanyuhan, sinatinig

Ngayo't alam na kung bat laging bukambibig.


Ngayon alam na kung bakit, nakasalalay

Rima sa dibdid maglao'y napasa kamay

Gamit mga sinulat na katha'y maglalakbay

Modernong panitikan ang magiging tulay.


Tulay sa pagpapayaman tangang wika

Kulturang s'yang magpapaunlad sa bansa

Salita'y 'di sasapat kung walang gawa

Handa ka na ba sa pagkhakbang? Halika.

'Santasang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon