Pag-irog nilang inihaplos ay hindi kailanman pabalat
Kung bubuksang kanilang libro'y laman ay may lalim at bigat
Di sila literal na nagsulat, di gumamit ng lapis
Ngunit inukit nilang kasaysaya'y di mapara ang kawangis
Pagod na mata'y pilit nilang minumulat
Pagkarinig ng uha, agad titignan kung ano ang ating sugat
Mag-aabot ng panyo tuwing tayo'y pinapawisan
Magbibigay aral upang mapunan ating kamusmusan
Sa di mabilang na paghalik ng alon sa buhangin
Mga aral na ipinunla sa ati'y tila nahugot ng hangin
Kakayahan nila'y mayroon ding hangganan
May mga bagay talaga na di nila kayang mapunan
Mga kahilingan nating minsang imposible
Imbes umintinde, iisiping pangarap nati'y napaslang at sila ang responsable
Nagmarunong tayo dahil naging palasagot
Nagmagaling nag-astang di nangangailangan ng gamot
Sa mabilis na pagpapalitan ng araw at ng buwan
Dumating ang panahong ating pinagsisihan
Kakatwa minsang isipin kung kailan daan nila'y masimula nating matahak
Doon lamang natin naunawa ang halaga ng isinulat nilang aklat
BINABASA MO ANG
'Santasang Tula
PoesíaAng koleksyon na ito ay para sa mga Filipinong manunulat na naghahanap ng lugar para sa kanilang mga akda. Para rin ito sa mga pinoy na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa mayamang sining ng pagsulat sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa n...