Baguhin mo ako panahon
Hilumin ang bawat galit na tumatahan
Ang mga kabiguang humaplos sa akin
Mga sugat na tinamo sa nakaraan.
Baguhin mo ako guro
Ituro sa'kin ang tamang landas
Ang daang patango sa kaaya-ayang bukas
Nang buhay ay magkaroon ng halaga.
Baguhin mo ako kaibigan
Damputin aking kamay na nanginginig
Bigyang payo itong isip na puno ng ligalig
Nais kong damhin ang iyong positibong pananaw.
Baguhin mo ako hirang
Ipadama sa'kin ang tunay na pagmamahal
Di ang huwad na yakap at halik
Upang katawa't pisngi ay makatamo ng pag-ibig.
Baguhin mo ako Panginoon
Ako ay naliligaw sa sanga-sangang daan
Nawa'y ipakita mo ang tamang hagdan
Patungo sa lugar na iyong kinaroroonan.
BINABASA MO ANG
'Santasang Tula
PoesíaAng koleksyon na ito ay para sa mga Filipinong manunulat na naghahanap ng lugar para sa kanilang mga akda. Para rin ito sa mga pinoy na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa mayamang sining ng pagsulat sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa n...