Kabataan (dyosang_otakku)

141 3 2
                                    

Kabataan ngayon

ano na nga bat nangyari sa panahon ngayon

Walang ibang iniisip kundi puro pag ibig

Ni itoy palaging bukambibig


Mga magulang at edukasyon di iniisip

Mga sarili lang ang iniisip di inisip ang maaring sasapit

Mga magulang at Edukasyon dapat ang unahin

Kaysa sa panandaliang kasiyahan natin


Druga dito, Krimen doon

Yan ang ibang gawain ng mga kabataan ngayon

Dapat ba nating tularan? O dapat ay ating iwasan


Inom dito, yosi doon

Mga kabataan nga naman ngayon

Ano na ba nangyari sa makabagong panahon?

Ang ating mga kabataan ay suliranin ng magulang ngayon

Bakit nga ba di nag iisip at dapat magbago hanggat may panahon


Ito ba dapat ang gawain ng kabataan??

Diba dapat nag aaral ng may matutunan

Para may magandang kinabukasan

At marating ang patutunguhan


Isipin dapat ang ating pamilya

Bago gumagawa ng bagay ng di maganda

Para naman sila ay maging masaya

At ang buhay mo'y gaganda


Wag din kalimutan ang pananampalataya sa may panginoon

Dahil papagtibayin nito ang kalooban mong puno ng poon

Sana maisip ang mabuting hangarin

At di purong masasamang gawain


Mag aral ng mabuti

Saka na ang pag ibig at iba pang bagay na di dapat nasalisi

Darating din yan sa tamang panahon

Pag ikaw ay guminhawa na kalaon

'Santasang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon