Hinaing (Maccheb)

44 4 4
                                    

Malakas ang bawat buhos ng ulan,

Iyak na sakbibi ng pagdaramdam.

Nagngangalit ang init ng araw,

Katulad ng galit na nag-uumapaw.

Yumayanig ang lupaing kumakanlong

Sa mga buhay na sa makamundong bagay ay lulong.


'Di mo ba nararamdaman

Ang nagpupuyos na hinaing ng kalikasan?

'Di mo ba naririnig

Ang pahina na nang pahinang pintig?

'Di ka ba natatakot

Na baka bukas, ang lahat ay maglaho?


Buong buhay ni inang kalikasan,

Kinanlong niya ang sangkatauhan.

Ibinigay ang mga pangunahing pangangailangan

At pag-ibig na mula sa Amang makapangyarihan.

Subalit ang naging ganti ay kapabayaan.

Mga buhay na itinuring n'yang anak, siya ngayo'y sinasaktan.


Tingnan mo siya't umiiyak,

Katawan ay sugat-sugat.

Nilalapastangan siya't inaabuso,

Nagdurusa ng husto.

Tingnan mo ang mundo,

Ano ang sasapitin ng mga susunod na henerasyon?


Kawangis ng isang mansanas,

Na puno ng mga mapanirang kagat,

Ang mukha ng kalamidad.

Sangkatauhan ay mga uod,

Kariktan niya'y inuubos.

Nasa'n na'ng pag-ibig, bakit puso ko'y halos madurog?


Hihintayin pa bang siya'y mamatay,

Bago siya haplusin ng ating mga kamay?

May bukas pa-

May pagkakataon pa-

Sa pag-ibig at pagkakaisa,

Atin siyang maisasalba.


Manunumbalik din ang kanyang ganda.

Ngingiti rin siya-

Ngingiti rin siyang muli.

'Santasang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon