Nais kong mahawakan ang iyong kamay
Samahan ka't iyong maging kaagapay.
Mumunting palaso ng tasahang-buhay
Aking sasaluhin ako man ay mamatay.
Nawa'y iyong malaman ang kahulugan
Ang buhay sadyang mapait kung titikman
Mga pagsubok ay dapat mo nang asahan
Tikas at tapang ang siya mong kinakailangan.
Adhikain mo'y napakahalaga rin
Kung panu makikipagbuno sa talim
Sarili'y asahan, harap ng salamin
Makakasagot sa 'yong tanong, ikaw lang din.
Kaya't gawin mong kapakipakinabang
Sutlang buhay hinabi nung kapanganakan
Iyong labanan mga pag-aalinlangan
Magpatuloy, magbunyi, magsaya, mabuhay!
BINABASA MO ANG
'Santasang Tula
PoetryAng koleksyon na ito ay para sa mga Filipinong manunulat na naghahanap ng lugar para sa kanilang mga akda. Para rin ito sa mga pinoy na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa mayamang sining ng pagsulat sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa n...