Prologue

2.7K 38 0
                                    

" bungi.. pano ba yan,,aalis ka na.. wag ka na babalik ha?" 

Sabi ng walong taong gulang na bata sa limang taong gulang na batang babae.Mangiyak iyak na ito dahil sa sinabi niya.

"Hinding hindi na talaga ako babalik..para hindi na din kita makita kahit kelan!"  Galit nitong tugon sabay takbo palayo. Tinumbok nito ang daan patungo sa malaking bahay, ang mansyon ng mga San Jose.

Habang papalayo ang batang babae, sinundan naman ito ng tangin ng batang lalaki.Malungkot ang mga mata ng nito na wariy maiiyak na din.

"Magiingat ka dun Julie... " anas ng batang lalaki habang nagpipigil na takbuhin upang sundan si Julie.

"akala ko pa naman magkaibigan tayo?.. yun pala.. masaya ka pa na aalis ako..." sabi ko sa sarili ko..habang humihikbi at wala pa din pagtila ng luha ko.. "tinawag pa ta-la-ga.. a ako-ng bu- bungi.. huhhuhu... a ayy-o-oko na-a sa-yo-o mo-kongg..! hi-ndi na kit-ta bati-i" patuloy kong anas...

"Julie anak?" si daddy.

"....hik.." patakbo kong niyakap ang daddy ko..

"Dad-dy,.. hik... gusto ko na po umalis dad-dy.. wa-a la na-naman-n po ak-ko frei-ndd na her-re po.. hik...." lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

Gumanti ng yakap ang daddy ni Julie at bumuntong hininga na lamang... Sa isip ang sinabi ni Julie na sa murang edad ay napaka emotional nito pagdating sa mga taong malalapit sa kanya. Nung una kong sabihan siya na pupunta kaming America'y labis ang pag aalala nya dahil hindi na nya makakasama ang mga kababata nito..lalong lalo na ang anak ng katiwala namin dito sa hacienda na si Elmo.

"Anak, listen to daddy okey? 'wag ka na maging sad.. You'll gonna make new friends there.. and your kuya Jack will be there too. Kailangan magpagamot ni mommy dun kaya we need to stay there with her..." paliwanag ng ama sa kanya.

"I know dad-dy.." hikbing sagot ni Julie saka ngumiti na. "I'm gonna take care of mommy daddy, para gumaling na po siya agad... kami po ni kuya Jack.. after po ba gumaling ni mom..babalik na po tayo here sa hacienda po?" nagliwanag ang mukhang sagot nya.

"of course baby girl.. di ba dad?" Biglang sagot ni Jack na bagong dating at tulak tulak ang inang naka wheelchair, samantalang nakangiting bumaling ang babae sa wheelchair sa mag ama.

"Halinga kayong mag ama.. i need a hug!" pagkasabing iyon ni Sophia ay lumandag patakbo si Julie na sinundan ng ama.

"Mommy! i loveyou po..kayo nila kuya at Dad!" at mahigpit na niyakap ang ina na sinundan din ng yakap ng ama't kapatid. 

"Our precious Julie... and we love you too.." sagot ng ina.. na maluha luhang pinagmasdan si julie habang mahigpit pa din ang pagkayakap sa kanya.. ngumisi naman ang mag amang Jack at Anthonio.

"Napakaswerte ko Diyos ko at binigyan nyo ako ng mapagmahal na pamilya... sa puntong ito ng buhay ko... maiwan ko man sila'y.. alam kong magiging maayos sila... alam kong hindi sila pababayaan ni Anthonio.." Usal sa isip ni Sophia at tuluyan ng naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata.

Sa puntong iyon... tumatak sa puso't isipan ni Julie ang halaga ng pamilya nya... na dala nya hanggang paglaki... lalong naging malapit siya sa kapatid at ama nang di kalaunay pumanaw ang kanyang inang si Sophia.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon