xxv

1.2K 17 2
                                    

"Spoiled brat ang anak ni Anthonio... I know pinagbibigyan niya lang si Julie sa mga gusto nitong gawin At paglaruan... Bata pa naman kasi ito...pero hindi pa naman siguro nawawala sa katinuan ang ating kaibigang Don.. Na isa sa pinakamayaman at pinaka successful businessman ng Pilipinas na ipaubaya ang nag iisang anak na babae sa isang hamak na anak lamang ng katiwala sa kaniyang napakalawak na hacienda hindi ba mga amigo????".

"God! What has gotten to Tito Anthonio's daughter? Pumatol sa anak ng katiwala ng hacienda nila.... Although the man is really hot and good looking.. Pero...nakaka ewww lang as in duh?? Nakakahiya.."

" Fvck dude! Ano kayang gayuma ang ginamit ng lalaking yun kay Julie? I mean... Naging classmate ko siya nung high school sa states! And sobrang daming nanliligaw diyan... At puro may mga sinasabi a ng pamilya.... I still can't believe na papatol siya sa trabahador lang... Nakakaturn off siya tuloy! Tsk!tsk!".

"Whooahh! OMG! what happened to Julie? I mean... talaga bang boyfriend niya yung trabahador nila sa hacienda? baka naman nagtitrip lang siya...?? as in seriuosly??"

"Hayy nako...don't worry too much sa anak ng Don... malay natin di ba? lakas lang ng trip ni Julie!hahahaha"

"Kilala ang Don at ang pamilya nito hindi lang dahil sa yaman nila kundi pati sa kabutihan ng puso nila.. Kaya malamang sa malamang may mga taong pagsasamantalahan ang kabaitan nila.... And this Elmo guy? Jackpot! Complete package agad ang nadale niya eh noh?"

"Aaaaaaaaahhhhhh!!!!!" nagpipigil na gigil ni Elmo habang nakahiga sa kanyang kama. Ilang minuto na lang ay mag aalas sinco na ng umaga at kailangan na niyang bumangon. Laging nanunuot sa isip niya ang mga narinig na mga komento sa birthday party ni Julie. Pinilit niyang iwaksi iyon sa isipan ngunit talagang nahihirapan siyang iwaglit iyon.

"Tang ina naman! bakit kailangan nilang laitin si Julie....ako na lang dapat ang hamakin nila.!shit lang!" nanggigigil na bumangon na si Elmo. Kailangan niyang tumulong sa ama sa trabaho sa hacienda. Wala silang pasok ngayon kaya sa hacienda naman ang trabaho niya.

Maghapong ginugol ni Elmo ang inis sa pagtatrabaho... Hindi alintana ang init at pagod. Ni hindi nga rin niya napansin na kanina pa siya kinokontak ng kanyang mahal. Ganyan si ELmo magrelease ng stress... Nawawala sa sarili... Kailangan niyang pagurin ang katawan at isip para makalimutan ang inis na nadarama.

Samantala, Kung si Elmo ay babad sa initan at trabaho... si Julie naman ay maghapong nasa kwarto lang niya. Tinadtad niya ng texts at missed calls si Elmo. Naiinis siya sa hindi pagsagot ng lalaki sa texts at tawag niya. Kahit alam nitong nagtatrabaho si Elmo... hindi niya maiwasang salakayin ng inis.

"Damn Elmo! Hapon na...hindi mo man lang ba titignan ang cellphone mo at kumustahin man lang ako! aaaaahhhh!!!" Kausap ni Julie ang sarili habang hawak hawak ang cellphone niya.

Pero sa kabila ng pagkainis, matindi rin ang pag aalala niya para kay Elmo.. Kitang kita niya ang pagkailang ng nobyo nung kagabing party niya. Alam niyang nagpigil lang itong umalis at iwanan ang party kung hindi lang dahil sa kanya.

"Ginawa ko naman ang lahat para ipakita sayo na wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao... ang mahalaga lang sakin ikaw! bakit ba kasi ang baba ng tingin mo sa sarili mo ha??" Kausap ni Julie ang picture ni Elmo sa cellphone niya. Wala na siyang ginawa maghapon kung hindi magtext at tumawag kay Elmo. Ang bumuntong hininga kapag hindi niya nasasagot ang bawat tawag niya.

"Ganito ba talaga?? bakit kailangan pagkatapos ng sobrang sayang pangyayari kailangan mapalitan ng lungkot?shiit...!"

Malungkot na iniscan niya ang mga pictures nila ni Elmo kagabi at sa ilang sandali pay nakaidlip na si Julie ng hindi nito namalayan.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon