xxi

1.9K 25 3
                                    

"The shoot will be two weeks from now Moeko! and uh... theme nung shoot kagaya pa rin ng dati... I think hindi mo naman na kailangang mag work out.. and uh, provided naman na lahat ni kuya eh! this time daw sa studio na kukunan so hindi na tayo out of town.... any questions??"

"Wala na Eako... basta remind mo na lang ako... hayy... problema nanaman pano ako magsasabi kay Julie."

"Alam mo Moeko? ok lang naman siguro sa kanya yan eh... bakit kasi nung una hindi mo pa sinabi?ayan tuloy... as long as wala naman tayong ginagwang masama... you're actually doing this for her so...ano bang pinoproblema mo??"

"ayoko lang kasing mag isip pa siya... ayokong magselos siya...ayokong bigyan siya ng mga bagay na kahit konti lang eh ikasasama ng loob niya..."

"Sus...sa tingin mo ba ngayon yang ginagawa mo..kapag nalaman niya to..ano mararamdaman niya??"

"Kaya nga Eako tsumityempo ako eh...hmmmm...."

"Goodluck sayo Moeko hahah! oh siya...May klase pa ako.... " Bumeso si Andrea kay Elmo at dali dali ng umalis.

.

.

.

.

.

.

.

Katatapos ng klase ni Julie at naghahanda na sila sa paglabas ng room...inabot ni Julie ang dalawang invitation para kay Jessa at Donna.

" Julie... nakaka excite naman yung party mo... invitations pa lang sosyal na sosyal na... mukhang mga bigatin ata ang mga bisita mo ah??" Tanong ni Donna kay Julie habang hawak hawak ang invitation.

"Mostly mga buseness partners ng daddy ko ang ibang dadalo... isinabay ng daddy ko ang launching ng isang buseness na pinasukan niya eh..kaya talagang formal ang party.... punta kayo ha?? para naman mafeel kong party ko yun..."

"Naku Jolie.. Syor kaming poponta wag kang mag alala.... magha hunting kasi kami ni Dunna ng mayamang mapapangasawa ih! Saktong saktu yung party mu!" Sabat naman ni Jessa.

"Hahaha..ikaw talaga Jessa.... uhmm...ano sasama ba kayo sa canteen? dun ako imemeet ni Elmo eh..."

"Sasamahan ka namin Julie... nagugutom na din ako eh..tara??"

.

.

.

.

.

.

.

Naabutan nila Julie.Jessa at Donna si Elmo sa canteen.

"Mahal ko....." Sinalubong ni Julie si Elmo ng halik at yakap.

"Aggguuyyy.... Kasarap naman nyan..." Kinikilig na sabi ni Jessa,

"Haha..ikaw talaga Jessa... Kumsta Donna?? upo kayo tas ako na oorder ng pagkain nyo..." Bati ni Elmo sa kanila.

Umalis si Elmo at tinungo ang counter ng canteen.

"Nako napaka gentleman talaga ng boyfriend mo Julie!bakit naman kasi wala siyang kapatid eh..hehe...." Sabi ni Donna.

"Tapos gwapo pa..mabaet pa... yummyness pa... kulang na lang magkaseng yaman na kayo Jolie...perfict na perfict na... heheh" Sabat naman ni Jessa.

"Ikaw talaga Jessa... I dont think wealth is actually needed for him to be perfect... kasi para sakin sobrang perfect na niya... sobrang mahal ko siya alam nyo ba yun??"

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon