v

2.4K 30 3
                                    

"Elmo..."

Natigilan si Elmo nang may tumawag sa kanya. Hindi na kailangan pang lumingon agad si Elmo dahil kilala nya ang boses na yun...samantalang si Kat ay pilit inaaninag ang papalapit na babaeng tumawag kay Elmo.

"Julie.. uh,,uhmm,,senyorita? anong ginagawa mo dito??"

"Inaabangan kasi kita.. galing ako sa inyo kaso wala ka pa kaya dito na kita hinintay."

"Ah? ehh bakit? may kailangan ka ba??"

"wala naman..nababagot lang kasi ako sa bahay ehH..."

"uhmm hurrmmm..." Paramdam ni Katrina. "Elmo sino siya?" Tanong nya na kunyari'y wala siyang ideya.

"Ah Katrina, si Julie.. anak ni Don Anthonio. uhm.. Julie si Katrina nga pala...."

"Girlfriend ako ni Elmo.." dagdag ni Katrina na pinipigil ang pagngiti.

"Ahm.. Hi! "tipid na sagot naman ni Julie. Kita sa mga mata niya ang lungkot na tila ba maiiyak na.

"gabi na senyorita, ihahatid ko na kayo sa mansyon, " bumaling si Elmo kay Katrina. "uhm Kat. pasok ka na muna sa bahay.. hintayin mo na lang ako dun."

"Owkey boss!" sagot agad ni Katrina at sabay halik sa mga labi ni Elmo.

Nag iwas ng tingin si Julie ng gawin iyon ni Katrina.Selos na selos na siya.. hindi malaman ang gagawin niyaa... hindi siya makakilos.

"ah uhmm.. Julie.. tara na.."

"ikaw na mag drive" sabay hagis ng susi kay Elmo, pumasok agad siya at pumwesto sa harapan,tabi ng drivers seat.

Tahimik sila sa sasakyan at parehong nagpapakiramdaman. Si Elmo ang hindi na nakatiis.

"Ahmm..urrr... Pasensya ka na naghintay ka ng matagal... May 3 weeks pa naman bago magstart ang pasukan, bakit hindi ka muna mamasyal sa Maynila or sa ibang lugar?"

"Wala ako sa mood.. Tsaka wala din naman akong kasama.... I don't have any friends here remember? "

"Oo nga pala... "

Hindi malaman ni Elmo ang gagawin.... Sobrang tahimik lang ni Julie. Hanggang sa marating nila ang mansion. Pagkababa ng kotse'y dire-direcho si Julie papasok.

Litong lito naman si Elmo na hindi alam ang gagawin, tatawagin ba niya o hahayaan na lang.

" Ju- Julie! " tawag ni Elmo.

Tumigil si Julie pero hindi lumingon. Sinundan siya ni Elmo at hinarap siya nito.

" uhmmm... May gagawin ka bukas?" Tanong ni Elmo na hindi alam Kung san galing ang idea na yun.

Kumunot ang noo ni Julie at napakagat labi, ang mukha niya'y may pagtataka...

" Baka lang kasi gusto mong mamasyal or libutin ang hacienda. Sasamahan kita" yun ang naisip niya.

Nagliwanag ang mukha ni Julie... Nabuntong hininga saka ngumiti.

"Sigurado ka.? Hmm... Wala kayong lakad ng gf mo?"

"Wala.. Wala.... Umm..."

"6am dapat nandito ka na... Kapag na late ka.. Humanda ka sa'kin."

Ngumiti si Elmo. Yung ngiting nakakatunaw...

"Kung gusto mo alas sinko pa eh... Hehe... Uhmm... Alis nako seniorita.. Bukas pramis maaga ako."

"Siguraduhin mo lang" yun lang at pumasok na si Julie.

Umiiling iling na lang si Elmong umalis.. " hayyy nako Julie.. Anong ginawa mo sakin? Hindi kita matiis... Ganto pala feeling ng Tatay at kapatid mo.. Kaya ka na spoiled eh...." Kausap ang sarili.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon