xxvii

1K 19 13
                                    

Hindi maiwasang sumagi sa isip ni Julie kung bakit hindi nabanggit ni Elmo sa kanya ang tungkol sa paghatid ni Andrea sa kanya. May kurot na hatid iyon sa kanyang dibdib ngunit pinaglalabanan niya iyon.

"Oh god! Julie Anne San Jose!! ayan ka nanaman sa kakaisip ng hindi maganda! baka hindi niya lang yun nasabi dahil ayaw ka na niyang mag alala...alam mo naman ang mahal mo di ba? Trust him! alam mo namang mahal na mahal ka nun...." Kausap ni Julie ang sarili.

Katatapos lang nilang magbonding magkapatid. Hinatid siya ni Elmo bago mag alas onse ng gabi galing sa kanilang dinner... ah hemm... dinner na may dessert pa...yun na. Ngayon ay mag aala una na. Mahaba haba din ang naging kwentuhan nilang magkapatid. Ang dami nitong tanong about sa relasyon nila ni Elmo.

"Baby girl? sigurado ka na ba diyan kay mokz? Baka akala mo hindi ko alam yung mga ginawa mo sa states noon? Kabila Kabila ang mga boyfriend mo... Tignan mo na lang ang mayabang na Elijah na yun... sineryoso mo ba yun?"

"Hahaha! si kuya patawa! For your information kuya.... Si Elmo ang first boyfriend ko... Puro gossips at trippings lang naman ang mga nalalaman mo noh! And speaking of that Elijah guy??! Duh kuya! Napagtripan lang namin ng mga barkada ko yun... Nag assume lang siya na kami na.... tingin mo naman kaseryo-seryoso yung ugok na yun? Pasalamat nga siya kahit papano hindi ko siya ipinahiya sa lahat... i let everyone believe na niloko niya ako para lang isalba siya sa kahihiyan."

" Kaya naman pala ganun kataas ang self confidence ng lalaking yun nung party... susuyuin ka daw niya ulit at hinding hindi ka na sasaktan... hmmm?"

"Hahaha! Malakas ang tama niya sa ulo kuya... ipag papalit ko ba naman ang Elmo ko sa mayabang na yun..iiwww lang..tsaka isa pa..ni hindi ko naman gusto yun...napagpustahan lang namin siya dahil sobrang yabang eh!"

"tsk...halika nga dito... namiss ko ng sobra ang baby girl ko.."

"hmmm.... kuya?? naglalambing ka ba??"

"huh? why? bawal na ba lambingin ka baby girl?"

"i know you kuya.... nagiging extra sweet ka lang naman sakin kapag may kailangan ka or may request ka eh.... ano yun?? hmmm..."

"now you're talking... hmm... hindi ba pwedeng namiss talaga kita kaya naglalambing ang big brother mo?

"hindi nga kuya? ano yun...wag ka na magdrama dyan! spill!"

"Hahahaha....wala talaga akong lusot sau.."

"talaga! ano nga? dali na..."

" Promise me not to laugh!"

naningkit ang mga mata ni Julie saka tumango...

"i think...... i think im in love baby girl.. at balak kong manligaw sana..."

Pagkasabi ng kuya niya ay napakunot si Julie.

"describe this girl?" seryosong tanong ni Julie

"well uhm... she's the 3rd most beautiful woman i had ever laid my eyes on... first is mom... the second is my baby girl..." pagkasabi nun ay kumindat si Jack kay Julie

" i don't know her exactly... i dont even believe in love at first sight pero.. i think that can only explains why im having trouble sleeping and i cant help but to always think about her and imagine her all the time ever since i saw her."

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon