xxxi

1.7K 43 28
                                    

"May nangyari samin ni Jack 3 years ago Moeko.." Paumpisang kwento ni Andrea. Nasa kwarto sila sa loob ng Bar na pag aari nila... Pinagawa nila iyon for resting place nilang dalawa. Sa haba na din ng pinagsamahan nila bilang magkaibigan, sobrang komportable na sila sa isa't isa,

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin to Eako?"

"Ayoko kasing mag alala ka pa...."

"Anong bang nangyari....?? Pinagsamantalahan ka ba ni Jackz?"

"No...no... it's not like that... hmmm... pumayag naman ako eh..ginusto ko yun Moeko... Ma-mahal ko siya... mahal na mahal.... Akala ko...totoo yung mga sinabi niya eh..yung mga pinaramdam niya sakin.. Grabe naman kasi niya ako sinuyo Moeko... Ang galing ng diskarte niya eh... Ayan...nahulog ako hanggang sa pinaka malalim..... pero...." Tulo ng tulo ang mga luha ni Andrea habang nagsasabi kay Elmo.

"Pero ano?..." Niyakap siya ni Elmo saka pinapatahan...

"Ginawa lang pala niya yun para maghiganti.... Everything he made me feel... all was just an act.... a lie... all for his revenge..."

"Revenge?Fvck! Eako bakit ngayon mo lang sinabi to...."

"Ayoko kasing madagdagan pa ang problema mo eh..ayokong maging dahilan pa to para maudlot nanaman kayo ni Julie.... i want you to be happy Moeko...."

Napatiim bagang si Elmo

"Moeko... Sabi niya sakin... patas lang daw... niloko natin si Julie... Kinuha niya sakin lahat ng mga kinuha mo kay Julie.... Gusto kong magalit sa kaniya eh... but a part of me dont give a fvck cause i still love him..."

Niyakap ni Elmo si Andrea saka hinimas himas ang likod nito.

"Tahan na Eako... pagsisisihan niya ang ginawa niya sayo.... Hindi ko akalain magagawa ni Jackz ang ganitong bagay....pero alam ko din naman kung gaano niya kamahal si Julie..kaya maari niyang gawin iyon...but not like this...Damn! hindi sa ganitong paraan..... i thought he has a thing for you then... pero nahaluan na lang siguro siya ng galit... im so sorry Eako... nadamay ka pa tuloy sa ginawa ko.."

"Wala ka naman kasalanan eh..putang ina talaga yang mga San Jose na yan eh... sakit sa heart mahalin...bwisit!..."

"Kaya pala para kang nakakita ng multo kanina.... dahil pala kay Jackz... dont worry Eako..hindi na siya makakalapit sayo...Kung kailangan isipin niyang tayo...hayaan natin siya....Hindi ko hahayaang isipin niya na nagtagumpay siyang maghiganti... Hindi ka na niya masasaktan.."

"Pero Moeko...si Julie...pano siya? pano nanaman ang mga plano mong suyuin siya??"

"That can wait Eako.... magtutuos muna kami ni Jack"

.

.

.

.

.

.

.

.

.
"So.... He's the Elmo guy huh.... Gosh j-lie... He's so fvckin hot.... He's like a Greek god.... Yummy...... And uh.... Akala ko ba....hamak na trabahador NYO Lang siya?? Aba.... According to my research.... He's been modeling for 7 years now.... I mean.... Model Na Siya nung kayo pa??? Di BA 7 years ago yun...... And uhmmm.... That Andrea girl.... Girlfriend Niya yun??? Alam mo Ba?? Parang may napansin ako kanina.... SI KuYa Jack Grabe Yung titig niya sa Andrea na yun...akala mo lalamunin Ng buo..... And yung si Elmo mo ha... Parang alalang alala siya kay Andrea... Ang Swerte na----------" dere-derechong bibig ni jasmine na Natigil na Lang siya nung mapansin niyang malalim ang iniisip ni Julie at tulala.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon