x

2.3K 29 11
                                    

"Tay...... Hindi ko na ho kinaya eh.. Pagsisikapan ko naman ho.... Papatunayan kong hindi ang yaman nila ang hangad ko...." Paliwanag ni Elmo.

"Anak hindi mo alam ang takbo ng utak ng ibang tao.... Hindi mo mapipigilan ang isipin nila... Wag mong sasabihin saking hindi kita pinagsabihan anak. Pero malalim ang tiwala ko sayo. Gawin mo ang nais mo..... Wag lang sanang umabot sa puntong pagsisihan mo ang gagawin mo..." Tumango tango si Mang Elmer.

Nagliwanag naman ang mukha ni Elmo.

"Salamat Tay! Tatanggapin ko ang kahit anong resulta ng gagawin ko....."

-

"Ui babe..... Can't you lessen the guilt I'm feelin'?" Kagat kagat ni DJ ang labi.

Bumalik si Julie sa mansion ng luhaan... Kinwento nya lahat kay DJ ang nangyari.... Naguguluhan din si DJ.

"Sorry babe.... I didn't know na may ganung lalaki pa sa panahon ngayon. Aba kahit naman baklita ako kung kasing ganda at sexy mo tatayuan ako noh tsaka hindi talaga ako magpipigil." Sabi ni DJ na nakanguso.

Natigilan naman si Julie at Kumunot ang noo. Humihikbing tumingin kay DJ.

"Rea-lly besh? K-kaya hik mong pumatol sa hik ba-bae sa ganung sitwasyon???"

"Huh? Uuhhhhhh..... Hehe... Hindi ko maimagine babe eh.... Kung si Elmo gahasa talaga sakin yun.... Ehe"

Pinagpapalo ni Julie si DJ sa sinabi. Bumalik nanaman siya sa pag iyak.

"Tahan na babe..... Ui....."

"Bakit ba naman ganun yung tukmol na yun... Shit! Kasalanan ko pa tuloy... Mygawd! Ipinain na ng babe ko sarili niya... Tinanggihan!!?? WtHelllll!" Sa isip ni DJ na sobrang guilty.

Inaalo ni DJ si Julie nang may kumatok sa pinto. Si DJ ang tumayo at nag bukas ng pinto. Pagbalik niya kay Julie....

"Babe? Oh......" May inabot si DJ kay Julie. Nang tinignan ni Julie kung ano yun.... Nagliwanag ang mukha nito.... Nagtataka man... Mabilis niya itong kinuha...

-

Isang stem nanaman ng sunflower at may note.

-

-----> note <-----

Siguro ngayon hindi mo pa ako maintindihan...

Pero wag mo muna sana akong husgahan...

Kilalanin mo ako ng malaliman

At wag sana sa madalian.

Ang tunay na nadarama

Iyong bigyan ng halaga

Inirerespeto't ginagalang kita

Sobra at tunay aking sinta.

🌻💙 Elmo.

-----> note <-----

Si DJ ay napatanga nung mabasa ang note. Habang si Julie naman ay bumuhos ulit ang luha. But this time...

Hindi na sa sama ng loob.

"Well uh.... He's really different babe. I don't know what to say..."

Si Julie ay tulala... Hawak hawak ang stem ng sunflower... Kinuha din niya ang tshirt ni Elmo saka niyakap iyon ng sobrang higpit.

Ilang sandali pa'y............

"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Tili ni Julie.

Napatakip agad si DJ ng tenga. More or less... Inexpect na ni DJ ang reaksyon ni Julie. Alam niya kung paano at kung gano ito kabilis mag bago ng mood.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon