xv

2.3K 24 0
                                    

Nasa klase si Julie pero lutang ang isip niya... hindi niya maiwasang mapangiti kapag naalala at sumasagi sa isip niya ang nangyari kagabi. Pinakiramdaman niya ang sarili...at napakagat labi siya. Ramdam niya ang hapdi ng gitna niya, pero maya maya pa ulit ay ngumingiti nanaman siya.

"Ay nabuang na si Jule yawa!! hahahahaha" Si Jessa yun, classmate niya. kanina pa pala nila napapansin si Julie na tahimik at malalim ang iniisip.

"Wag ka ngang magulong bisaya ka! kita mong nagdeday dreaming si Julie eh.. eh pano sobrang inlab dun kay Emong Dakila!" Sagot ni Donna.. Silang dalawa ang laging kasama ni Julie sa klase... halos sila lang din ang nakasundo niya.

"Pssstt Jule!!" bulong ni Jessa na tawag kay Julie.

Walang reaction at tulala pa rin si Julie.

"oi Jule??" ulit pang tawag niya. Mas malakas ng konti sa una.

Wala pa rin...

"Gaga... hindi ganyan ang pagtawag kay Julie.... ganto!" bulong ni Donna kay Jessa. Saka naman pumwesto si Donna at hinarap ang tulala pa ring si Julie.

"Ayy si Elmo oh! nasa labas!!" malakas na sabi ni Donna.. Tila naman effective ang ginawa nito nang mapansin nilang kandahaba ang leeg ni Julie sa kakasilip sa bintana ng classroom.

"Ayy ipektive nga Dunna!hahahaha" saka sila nag apir.

Tumingin sa kanila si Julie na nagtataka....

"Wala naman ang mahal ko eh...saan mo nakita??" Tanong ni Julie kay Donna.

"Hahaha..kanina ka pa kasi lutang girl! kanina ka pa namin tinatawag eh... pangalan lang pala ni Elmo makakapagpakuha sa atensyon mo!nyahahaha"

"uu nga Jule!aysus ginuo ko day! wag mu masyado esepen, baka magaya ka sa mga babaing naging sawi kay dudung Imong..nyahih" sabat ni Jessa.

Napakunot ang noo ni Julie sa sinabi ni Jessa...tatanungin niya sana kung anong ibig nitong sabihin nang bigla silang sitahin ng Prof nila.

"Girls at the back! please keep quiet!" Saway ng professor nila dahil sa dinig na dinig na tila sila mga bubuyog.

Natahimik naman sila saka umayos ng upo.

Balik lutang naman si Julie.. Medyo bothered siya sa sinabi ni Jessa, kaya nung matapos ang klase nila ay niyaya niya ang dalawa sa canteen.

"Hmmm...Jessa... About what you told me kanina..... About dun sa uh... Magagaya sa mga babaeng sawi because of Elmo??.. Can you tell me more about it?"

Nagkatinginan naman si Jessa at Donna as sinabi ni Julie.

"Ha? Ahhh.... Ikaw naman Julie... Nagbibiro lang yang si Jessa...di ka pa ba sanay diyan? Hehe..." Si Donna ang sumagot agad at kinurot sa legs si Jessa...saka niya ito pinandilatan.

"Sus Jule...wala yun ano ka ba? Hehe..." Sabat naman ni Jessa.

"Guys please...? I know hindi yun biro..May gusto kang ibig sabihin ehh..." Kay Jessa siya nakatingin...pagkatapos ay tumingin din siya kay Donna.

"Hayy....uhmm... Hindi talaga namin alam.. Ah...eh napagtsismisan lang namin ng pinsan ko na kabatch ni Emong. Mga issues pa yun nun Julie... Hindi naman na ngayon."mahinahong sabi Donna.

Kumunot ang noo ni Julie saka hindi umimik...

"Go on.. I'm listening Donna."

Nagkatinginan si Jessa at Donna... Nagtanguan sila saka humarap kay Julie.

"Kaya kasi kilala si Emong dito sa school dahil sa mga babae niya. Hindi naman siguro kaila sayo na kahit mahirap lang si Emong... Nasa listahan ng hottest guys in school. Plus factor sa kanya na matalino,sporty.. At every girls best friend!"

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon