xvi

2.6K 31 5
                                    

Kinakabahan si Elmo at hindi malaman ang sasabihin. Kagat kagat ang lower lip niya saka medyo pilit na ngumiti.

"Ma-mahall.. Andyan ka na pala.... "Sinalubong niya si Julie at humalikk sa pisngi.

"Hmmm..... Anong patay mahal?? Sinong namatay??" Ulit na tanong ni Julie.

"Ahh..... Ehh.... Ma-mahall..."

"Cut the crap Elmo! Every time you're on your 'ahh ehh' mode I know you wanna tell me something so spill!"

"M-May overnight na lakad Ako sa sabado m-mahal... Uhh... Out of town..."

Kunot noo si Julie na nakatingin lang kay Elmo.. Pansin niyang hindi satisfied si Julie sa paalam niya.

"Makikilamay kami mahal... Last night nung Tatay ng dati kong ka klase nung high school."

"Yun lang naman pala eh... Okey lang naman mahal...hmm... Hindi moko isasama?"

"Mahal...kasi puro kami lalaki... Tsaka isa pa... Bukas na yung acquaintance party.. Magpahinga ka na lang..mapupuyat ka masyado.... Kung sasama ka pa sakin..Linggo na makakauwi..tas Monday may pasok na...."

"Ahm....ou nga pala... Hmmmm... Ngayon pa lang namimiss na kita mahal.." Pagkasabi ni Julie non ay yumakap siya kay Elmo saka inihilig ang ulo as dibdib nito. Ramdam niya ang mabilis na pag tibok ng puso nito at ang malalim na bunting hininga.

"Ako din mahal...mamimiss kita... Na miss nga kita eh... Halos mabaliw Ako kakaisip nang bigla kang man lamig sakin kagabi....."

"I-I'm sorry.... " humigpit pa lalo ang yapos ni Julie.

"Pwede ko ba malaman ang dahilan?"

Kumalas ng yakap si Julie saka humarap kay Elmo.

"I don't know how and what to say mahal... Wala ka naman ginawang kasalanan eh.... I just felt so weird sometimes especially when it comes to you... Nagiging emotional Ako bigla...."

"Bakit?"

"I don't know... I easily get jealous... Kapag naiisip ko na.... May mga babaeng nauna kang nakilala kesa sa'kin.. I wish I knew you first... Sana ako lang..ako na lang.... At wala ng iba.... I-I know this is not good but I can't help myself... Promise me mahal... Ako lang ha?..." Titig na titig si Julie kay Elmo .

"Pangako ko po... Ikaw lang.... Wala ng iba... Ikaw lang mahal ko..." Hinawakan ni Elmo ang buong mukha jn Julie and gave her a peck on the lips. Saka niya hinila si Julie at niyakap ng mahigpit.

-

-

-

Habang nasa daan sila pauwi.

"Mahal?...uhmm may gagawin ka ba ngayon?" Si Elmo habang nagdadrive.

"Wala naman mahal..bakit?"

Napangiti si Elmo saka lumiko sa ibang daan ang tinahak nito.

Kumunot naman ang noo ni Julie at nalilitong tumingin kay Elmo.

"Where are we going?" Tanong ni Julie.

"Sorpresa." Yun lang at hindi na nagsalita pa si Elmo.. Medyo familiar kay Julie ang daan pero hindi niya masiguro kung tama nga siya.

Itinigil ni Elmo ang sasakyan sa gilid ng kalsada..

"Kailangan kong takpan ang nga mata mo ha??"

"Huh?" Nagtataka pa rin ang mukha ni Julie pero nagpapiring na rin siya ng mata.. Halatang na eexcite na din siya.

Maya maya pay ramdam ni Julie na nagdrive na ulit si Elmo. Ilang saglit pay tumigil ulit ang sasakyan.

"Nandito na tayo..." Dinig niyang sabi ni Elmo.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon