xx

2K 22 3
                                    

Natigilan si Elmo sa sinambit ni Kat at lalo siyang nanigas nang humarap siya sa kung saan nakatingin ang nabigla ding si Kat.

"Ju-Julie... Ma-mahal ko..." Nauutal na sa wakas ay nakapagsalita rin si Elmo.

Basang basa na ang pisngi ni Julie dahil sa walang patid ang pagdaloy ng luha niya. Hindi siya makapagsalita at makagalaw.... Pero nung akma na siyang tatalikod at bago pa siya maka hakbang ay narinig niyang nagsalita si Kat.

"Hep! Hep! Hep! Wag na wag kang mag wo-walk out!! Susmaryosep... Alam ko yung mga ganitong eksena sa mga nobela sa TV ah....hmmmmm.. swerte mo lang Julie at pasalamat ka dahil hindi ako kontrabida..."

Si Julie'y nanatiling nakatalikod na sa dalawa habang si Elmo'y tumingin kay Kat ng may pagtataka.... Mababanaag ang pag aalala as mukha nito. Knowing Elmo... Kahit matalino ito'y dumadating din ang time na nagiging tuod ito... Slow kumbaga!

"Julie! Humarap ka sa akin! Dahil minsan ko lang to gagawin, hindi ito para sayo kundi para ito sa kaisa isang taong nagmahal at nagmalasakit sakin sa kabila ng lahat. Ayy shet na malagket!! Whew!! Okey! Hayaan nyo akong mag moment ha!?"

Hindi humarap si Julie kaya si Kat ang lumapit at humarap dito. Si Elmo nama'y hindi pa rin magets kung ano ang gagawin ni Kat.

"Maswerte ka Julie.... Siguro nung nag sabog ang diyos ng kaswertehan, kagandahan at kayamanan ay isa ka sa mga kokonting taong mapalad na gising at hinakot mong lahat!

...Wag mong isipin na magagawa kang lokohin ni Emong! Ituring mong isa siya sa mga swerteng bagay na napunta sayo!napakabuting tao ng gagong yan! Madaming nagmamahal diyan! Pero siya?? Isang babae lang ang minahal niya at ang mamahalin niyan...kaya ikaw mag ingat ingat ka naman wag ka padalus dalos.... Dahil kung paiiralin mo selos mo kesa sa tiwala mo sa kanya..madali siyang maaagaw sayo!

Pasensiya na kung pinapak ko ang labi ng jowa mo... Dati ko ng ginagawa yan sa kanya.... Kaya hindi ko lang napigilan ang sarili ko....Wala naman sanang problema eh..kaso nakita mo...Pero wag ka mag alala..halik ng kaibigan yun.. sobrang close friend! ohh ha... lusot na yun ha?ehehehe....hmmm... Dumaan lang Ako para magpaalam sa kanya... Gaya ng sinabi ko.. Siya lang ang taong tumanggap at nagmalasakit sakin...napakabuting tao niyan...kaya mahal ko yan eh.. Napakapalad mo lang Juie... sana lang, sana lang totoo ka din sa kanya....

Aruyyy jusko naman....oh siya..ang haba na ng moment ko..... Maka alis na nga... !"

Bumaling si Kat kay Emong saka humalik pa ulit sa labi!

"Bye Emong! Mamimiss kita! Babooshhh na!" Tumingin ulit si Kat kay Julie.

"Oh oh! Last na yun ha? Alagaan mo si Emong ko.... Galingan mo din ang performance mo ha?? Alam ko naman na by this time sa relasyon nyo humahataw kayo sa tirahan---"

"Katrina!!!" Pasigaw na putol ni Elmo sa sasabihin ni Kat habang naka tulala pa din si Julie dito. Natuyuan na siya ng luha sa mukha nito sa haba ng moment ni Kat.

"Sus Emong! Wala ka ng maitatago sakin alam ko na yan! Haha! Oh siya! Totoo na to! Babooshhh!"

Saka kumembot kembot itong umalis at iniwan ang dalawa.

"Ju-Julie mahal ko...magpapaliwanag ako..."

"May dapat ka pa bang ipaliwanag?? May sasabihin ka pa bukod sa mga sinabi ni Kat??"

"Ahh eh... Mahal.... Gaya ng sinabi niya...Dumaan lang siya para magpaalam... Please maniwala ka sakin... Wala akong ginawagawang masama... "

"You know what?? Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiininis... Your too kind to people.... That's why they love you... And I can't do anything about it! Alam mo yun? How can I stop them from loving you when I myself...hayyy..... I can't stop?!"

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon