iii

2.1K 32 1
                                    

Pabiling biling pa rin sa higaan si Elmo. Ilang libong hayop na ata ang nabilang niya ay wala pa ring epekto.

"Julie...Julie... hayyy..... ang ganda niya, ang lambot ng kamay... at ang katawan... shit!! erase erase Emong tang ina.. wag ka ngang manyak tsss..." gigil na nilamukos ang mukha at sinabunutan ang buhok.

"hmm..... Elmo? "basag na tanong ni Julie habang hawak hawak pa rin ang kamay ni Elmo. Tahimik kasi ito at naiinis na si Julie.

"ako na nga nag initiate na magholding hands tayo.. pati ba naman kausapin ako .. ako pa rin? hmmp! torpeng lalaki! ganito ba talaga sa pilipinas?" Sigaw ng isip niya.

"ano? "

"Shit! i am starting a conversation here Elmo. What the fuck? " inis na inis na talaga siya.

"Sorry, wala naman kasi akong sasabihin eh, " sagot naman ni Elmo. Sa totoo lang.. Nag alala na din siya hindi lang halata... gustong magsalita pero walang lumalabas sa kokote niya. Kung pwede lang halikan na lang niya si Julie ay ginawa na niya ito.

"grrrr..., hmm... do you find me pretty Elmo? please tell me... i am nearly loosing my confidence. i am not used to your treatment... Sa States.. guys are drooling over me.. They're begging for my attention...pero ikaw? torpe!"

Nganga lang ang sagot ni Elmo. Winasiwas ang ulo nito na para bang ginigising ang ulirat.Napatiim bagang siya." Iba ang Pilipinas sa States mo Julie. Dito ginagalang ang mga abbae.. Lalo ka na..." pagkasabi niyon ay lumapit siya. "Anak ka ng amo ko. Señorita." Pagkasabi into nay nag baba na siya ng tingin.

"Ohh... Now I see... So dahil anak ako ng amo mo, susundin mo lahat ng gusto ok ganun ba..?"

Tumango na lang siya bilang sagot. Niluwagan ni Elmo ang kamay at unti unti nang bibitaw sa pagkakahawak kamay ni Julie sa kanya ngunit hindi bumitaw si Julie bagkus lalo pa niya iyong hinigpitan.

"Amo mo ako di'ba? so ako masusunod..." Ngumisi si julie.

Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad na magkahawak kamay. Madaming tanong si Julie kay Elmo. Hindi rin maiwasan ni Julie na mainis dahil bawat tanong niya ay isang sagot lang si Elmo.Pero hindi siya tumigil.

"Hmmm my girlfriend ka na Elmo?"

"ha? ahh ehh... me-meron-n.." Nagsinungaling siya. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya nung oras na yun ay kailangan niyang magsinungaling dito. Pakiramdam niya, nanganganib na lumalim pa kung anu man ang naramdaman niya para kay Julie, oo nga't bago pa lang sila nagkita..pero sigurado siyang ibang tama ni Julie sa kanya.. at hindi niya iyon gusto.. Hindi.

Lumungkot naman ang mukha ni Julie. Dahil sa pagkabigla.. nagbitiw siya sa kanina pang hawak, ang kamay ni Elmo. "ahh... eherrm... wow naman.. sana makilala ko siya para dumami na ang kaibigan ko." Ngumiti siyang pilit. Bago sa kanya ang nararamdaman, parang ngayong lang siya nakaramdam ng panghihinayang..

"may girlfriend na si Elmo, Shit! what is wrong with me?? what is happening?no... ayoko!" hindi maipaliwanag ni Julie pero parang kinurot ang puso niya na malamang may girlfriend na si Elmo pero ayaw niyang magpahalata.

"ahh ganun ba.... good for you.. hmm...."

kamot sa batok lang ang sagot ni Elmo.

Ilang saglit na katahimikan. Binasag ulit yun ni Julie.

"Ako ba hindi mo tatanungin kung may boyfriend ako?"

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon