xxvi

1.3K 18 3
                                    

Naalimpungatan si Elmo na may nakakapit ng mahigpit sa damit niya at naramdaman niyang may sumuntok sa kanyang mukha.

"Ah!" Pinilit niyang imulat ang kaniyang mga mata. Masakit ang ulo niya at ngayon ay pati ang mukha niya..

"Damn you Elmo!how can you do this to my baby girl!!" Ang galit na galit na mukha ni Jack ang nabungaran ng kaniyang mata.

"J-jackz?? ba-bakit?"

"damn! bakit ba bigla ka na lang nanununtok???" Narinig niyang nagsalita ang isang babae sa tabi niya.

"Ea-Eako??? a-anong nangyayari???"

Dun na tuluyang nagising sa kamalayan si ELmo. Nasa likod siya ng isang kotse kasam si Andrea. Nakabukas ang isang pinto nun na kung san pumasok si Jack para gisingin siya ng suntok.

"Get out of the car asshole!" gigil na sabi ni Jackz

Kahit pa nalilito pa rin ay lumabas si Elmo at Andrea sa sasakyan. sa bilis ng pangyayari.. nanlaki na lang siya ng mata ng makitang pinagsasampal ni Andrea si Jackz.

"Walanghiya ka! why do you have to punch him? sino ka ba?"

"Ako lang naman miss ang kapatid ng girlfriend ng kayakap mo jan sa sasakyan!"

Natigilan si Andrea. 

"your Julie's brother??"

"wow!and you knew my sister huh? Elmo's girlfriend! whore!"

"Jackz mali ka ng iniisip...."

"Ano sa tingin mo ang iisipin ko Mokz? i just saw you with a girl in a car this early in the morning! hindi pa nga sunisikat ang araw! at dito ka pa talaga nagdala ng babae?! sa loob ng hacienda?"

"Eako?bakit tayo magkasama? ang natatandaan ko si Kulas ang kasama ko kagabi??" nalilitong tanong ni Elmo kay Andrea.

"You were so drunk last night at lasing din si Kulas. I saw the two of you sa kalsada... Nag alok akong ihatid kayo at inuna kong ibaba si Kulas.. Kaso nalito nako sa daan kaya tumigil ako dito to wake you up para itanong ang daan papunta sa inyo..kaso hindi ka magising..kaya ayan...hindi na kita ginising at sinamahan na lang kitang matulog dahil nakainom din ako."

Kumunot ang noo ni Jackz.

"You mean...?"

"Pasensya ka na Jackz... hindi ko na maalala ang nangyari.... Siya nga pala si Andrea... kaibigan ko... Eako.. si Jackz.. matalik kong kaibigan at kapatid ni Julie." pakilala ni Elmo sa dalawa.

Lumambot ang mukha ni Jackz at bumuntong hininga... Tumingin ito kay Andrea na nakahalukipkip ang dalawang kamay sa kaniyang kili kili na nakatingin sa kaniya habang nakataas ang kilay.

"Im sorry Mokz.. nabigla ako sa nakita ko..sana ginising muna kita bago ako nag isip ng iba..."

"Wa-wala ito Jackz... ahm... Eako... pasensiya ka na..naabala ka pa kagabi... ihahatid na kita..."

"Ahmm.. no... Show me the way to your house para makauwi na din ako...." Sinipat ni Andrea ang kanyang mukha para tignan ang sinuntok ni Jackz.

"May pasa ka..." Nag aalala nitong sabi

"Wala ito Ea-Eako" saka umiwas ng tingin.. 

Naiilang si Elmo dahil nakatingin pa rin si Jackz.. masyadong malambing si Andrea sa kanya at baka kung ano pa ang isipin nito.

"Jackz.... mauna na kami... ahm.... kailangan nating mag usap kelan ka pwede?"

"I'll just be here Mokz... wala akong planong lumabas ng hacienda the whole week...."

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon