vii

2.3K 27 4
                                    

"Besh pahinga muna tayo... Wheeewww..." Humihingal na sabi ni Julie kay DJ.

5:30 am ng umaga... Maagang nagising si Julie at DJ kaya naisipan nila ng mag jogging.

Nagstart sila ng 4:15 mula mansion at ngayun ay nasa parte sila ng hacienda malapit sa farm.

"I love it here babe! Mukhang mapapadalas ang pagdalaw ko sayo dito ah?.. Ang sarap ng hangin...hmmmmm.....!" Tuwa ng tuwa si DJ na nilanghap ang hangin.

"Hindi ka pa ba napagod? I'm kinda tired you know? Can we take a break...?"

"Haha... Ok sige.... Hmm... Oh? There babe... Dun na lang tayo mag rest."turo ni DJ sa isang kubo.

"Aww! Perfect! Maybe that's a farmers hut. Let's go.... Nanlalagkit na talaga ako..."

Nakarating sila sa kubo.

"Mukhang walang tao babe" binuksan ang pinto.

"Wala talagang tao besh, I told you.. Farmers hut lang to.. Come inside.."

Pagpasok nila..kusina ang bumungad. May maliit na table at upuan yari sa pinaghalong kahoy at kawayan. Sa bandang dulo ay may kahoy na hagdanan na nakatapat sa isa pang pinto.dere-derecho si Julie dun at binuksan iyon.

"Babe? Anong meron jan?" Sinundan ni DJ si Julie sa pintong binuksan nito. Hindi na kasi umimik si Julie . Parang natulala na siya sa may pinto.

"Uh..oh!" Hindi napigilang bulalas ni DJ.

May lalaking half naked sa kama na may kayakap na babae. Hindi naman sana malaswang tignan kaso lang yung kamay nung babae nasa loob ng toot nung lalaki.

Pati tuloy si DJ hindi malaman ang gagawin. Si Julie tulala pa din at mukhang maiiyak na.

"Babe? I think we need to leave. Baka magising na sila... Nakakahiya," tapik ni DJ kay Julie.

Nagulat na lang si DJ nang ibalibag ni Julie ang palanggana na may bimpo sa gilid ng papag.

Napabalikwas si elmo, at dahil may hangover siya'y napa hawak siya sa ulo niya. Dahan dahan naman siyang nagmulat para alamin kung ano yung kumalampag.

......

Dali Dali siyang bumangon nung mapagsino ang taong nasa harapanan niya, o nila?? Naguguluhan pa din siya dahil nakita niya si Kat na nakahiga pa din..

"Ju- ahhrmm seniorita.. Kayo ho pala.." Utal utal na sabi ni Elmo. Niyugyog ni Elmo si Kat para magising.

"Anu ba Emong. Ang aga pa kaya..? Pinagod moko kagabi kay please lang.. Hayaan mo kong mag pahinga." Sagot ni Kat na hindi man lang nagmulat ng mata.

"Patay!" Sigaw ng isip niya at napakamot sa ulo niya..

"Ahhh eh..pasensya na ho seniorita..."

Mukha namang naulinigan ni Kat ang sinabi ni Elmo kaya nagmulat ito ng mata. Pinanlakihan naman niya ng mata nung malamang hindi na lang sila ni Elmo ang nasa kwarto. Nagtakip ng katawan si Kat at dahang dahang tumayo.

"Ahhrmm.. Magandang umaga sa inyo ehe...." Napapahiyang bati ni Kat.

Kitang kita ni Elmo ang mamasa masang mata ni Julie. Pero hindi naglaon ay napilitan ng galit ang ekspresion ng mukha nya.

" alam ba ng daddy ko na ginagawa nyong motel ang hacienda???"

"Nagkakamali ka seniorita... Wala naman kaming ginawang masama.."

"I don't fvcking care on whatever you two are doing but please.... Wag dito sa hacienda nyo gawin ang kababuyan nyo!!"

"Kinailangan lang namin ng malilipasan ng magdamag seniorita.... Naabutan lang ng dilim sa daan..." Paliwanag ni Elmo.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon