iv

2.1K 29 5
                                    

"Tsss...." iiling iling si Elmo habang nakikita niya ang mga taong nasa labas ang pagnganga,paglingon,pagkatulala...may nagmumura at napapa ohhh sa sasakyan ni Julie papasok ng gate sa School.  Nakasakay siya kasama si Julie dahil mag e-enroll sila ngayon. Pagtingin niya kay Julie, kitang kita din ang pagkaproud nito sa dinadrive na kotse at tuwang tuwa siya sa mga reaction ng mga taong nakakakita sa sasakyan nito. "Panu pa kaya kung makita nila ang may ari ng sasakyan?hindi ko na alam...???" bulong pa ni Elmo sa isip.

Pagkapark ng sasakyan, nagmamadaling lumabas si Elmo. Kahit hindi siya ang nagdrive..inunahan pa rin  niyang makababa si Julie upang pagbuksan siya ng pinto.

"aww thanks...!" ngiting ngiti si Julie habang palabas ng sasakyan. Slow motion ang eksena. lahat ata nakatingin at nag aabang sa paglabas ng nagdala ng kotse.

"SHIT SINO SIYA?"

"AnNgG gAnNnDdAa nIyAaA"

Ilan lang sa mga narinig na bulungan nang makita si Julie. Ang iba'y ngumanga na lang at natulala.... babae,lalaki,bakla't tomboy... Naka orange halter top na V neckline na labas ang cleavage, hapit na hapit yun sa hubog ng katawan niyang perfect shape. white fitted pants at 3.5' black stiletto.

Lalong lumakas ang parang bubuyog na bulong bulungan sa paligid nang ikawit ni julie ang kamay sa braso ni Elmo. Asiwa si Elmo sa ginawa ni Julie pero hindi na siya nakakilos pa. Moreno si Elmo, katamtaman ang tindig, matangkad...kahit halos gatas at kape ang kulay ng balat nilay nagjive ang mga itsura nila. bagay na bagay sa paningin. 

"Girlfriend ba yan ni Emong???"

"Ang swerte naman ni Emong! Complete package ata ang nadali"

"Isa siguro yan sa pampalipas oras ni Emong, hindi ganyan ang tipong seseryosohin niya...ou nga't kaliwa't kanan ang mga kafling ni Emong... pero never ko nabalitaan na nagkapormal siyang nobya."

Halo halo talaga ang reaksiyon ng mga tao, Napansin ni Julie na parang popular si Elmo at kumunot ang noo niya sa narinig niyang sabi ng babaeng nadaanan nila. 

"Ikaw na muna ang mag enroll, samahan na muna kita" sabi ni Elmo

"mmkeyy" mabilis lang siya natapos, dahil laging may nag gigive way sa pila, kung lalaki ang naunay tulala kay Julie. Kung babae naman ay kay Elmo.

"Ikaw naman Elmo...san ba banda building nyo?" si Julie

"huh? umuwi kana senyorita... ako na lang ang pupunta"

"ano??  ok lang naman Elmo...wala akong gagawin sa bahay... mababagot lang ako dun.."

kamot sa batok si Elmo" mapaapgod ka lang..lika't ihahatid na kita sa kotse mo"

Humalukipkip ang dalawang kamay ni Julie sa magkabilang kili kili niya.. at tumigil sa paglalakad.

"Ayoko! sasamahan kita.. please????" naka pout si Julie

Kakamot kamot na lang si Elmo at sumeryoso ang mukha. Naasar siya sa pagka brat ni Julie at the same time hinahaplos ang puso niya... pinipigilan niya ang sarili dahil pag nagkataon.. masasali siya sa i-spoiled dito. 

"Cge na.. tara na nga!"

Umaliwalas ang mukha ni Julie at nagpamalas ng napakatamis na ngiti! "YES!" sabay kindat at umabrisite sa braso ni Elmo. "Lets go!"

Tsug!Tsug!tsug! lagabog ng puso ni Elmo. That smile has the power to melt anything in just a snap.

"Relax Emong...tss..." ang lalim ng mga hiningang pinakawalan ko. 

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon