viii

2.9K 28 2
                                    

(A/N: please be responsible enough... Mature scenes ahead. :p )

"Ang aga mo naman ngayon kuya Emong...."

"Hehe sinadya ko talaga.... Sabi ng nanay mo kahapon ikaw lang tatao dito ngayon.. Eh di walang magbubuhat ng mga paninda mo..."

Nasa palengke sa bayan si Elmo, sa may bandang flower section.

"Yun nga iniisip ko kanina pa kuya eh??kung hindi ka dumating baka hanggang ngayon hindi ko pa naayos ang display namin! Hehe... Nga pala... Kumusta naman yung pinagbigyan mo ng sunflower kahapon? Ok ba? Nagustuhan ba?"

"Hindi ko alam ehh...hehe.... Basta binigay ko na lang.... Baka kasi itapon sa mukha ko..hahahaha"

"Grabe naman yun kuya kung itapon sa mukha mo!"

"Galit kasi siya sakin....kaya baka imbes matuwa... Maasar lang lalo..."

"Eto kuya...puntahan mo ulit at bigyan mo niyan.... Salamat sa pag tulong sakin dito! Da best ka talaga!"

"Sus binola mo pa ako.... Hehe... Sige ibibigay ko ulit to sa kanya...baka sakaling hindi na galit... Salamat Ipay! Pakabait ka ha? Mauna nako!"

"Maneh! Gising na ba si seniorita?"

Pagkagaling ni Elmo sa palengke ay dumerecho siya sa mansion.

"Ang aga mo naman atang manligaw? Haha.... Hindi pa siya bumababa eh... Si sir DJ pa lang ang andun sa lamesa.... Hindi na nga nahintay ni Don Anthonio si seniorita Julie eh.. Matatagalan pa man din ata ang Don sa Maynila.."

"Ahh ganun ba...... Hmm.... Teka..para kanino yan?" Tanong ni Elmo sa hawak ni Maneh.

"Almusal ni seniorita... Eto lang naman lagi nun kinakain tsaka juice. Ewan ko din dun... Laging nagpapahanda ng almusal halos hindi din naman nakakain."

"Kaya pala ganun ang katawan eh.... Kulang na lang liparin ng hangin.... Tssss...

may tinapay kayo di ba? Ilagay mu lang yun sa lamesa..tas patimpla naman ako ng gatas." Utos ni Elmo kay Maneh.

"Dito ka ba kakain? Sige papahanda ko... "

Inihain ni Maneh sa lamesa ang almusal kasama ang ipinahanda ni Elmo.

"Ui Emong...kabababa lang ni seniorita.. Andun na siya... Puntahan mo na..."

Hindi naman agad nagpakita si Elmo. Medyo nag aalangan siyang lumapit dahil andun pa si DJ. Nanatili siyang nakatingin lang.. Nakikita niya si Julie na pinaglalaruan lang ang pagkain nito at mas marami pang atensyon ang binibigay sa cellphone nito. Laking pasalamat niya nung tumayo si DJ at umalis na sa hapag. Nilapitan niya agad si Julie.

Kinuha ang kamay niya na nakahawak sa cp nito at nilapag niya iyon sa lamesa.

Kinuha ni Elmo ang kubyertos saka pinaghimay si Julie. Nanatili namang naka tulala lang sa kanya ang dalaga. Nung sinubukang subuan siya ni Elmo, nagulat at natuwa ang binata dahil tinatanggap niya ang sinusubo. Tuloy tuloy lang at ni hindi nagreklamo si Julie.

Nakatitig lang si Julie kay Elmo. Para bang nahipnotize ito. Sa huling subo ni Elmo, kinuha niya ang pamunas at pinunasan ang gilid ng labi ng dalaga..habang hindi humihiwalay ng tingin. Inabot ni Elmo ang gatas kay Julie, napangiti ito lalo nung inumin niya iyon at ubusin. Nang ma tapos na ang pagkain ni Julie. Nakita niyang may konting latak sa bandang gilid ng labi niya kaya kinuha niya ang pamunas at pinunasan ang iyon.pagkatapos ay ibinigay niya ang sunflower na dala..saka umalis na.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon