i

2.5K 29 0
                                    

"Grabe ka talaga Emong! ang tindi mo sa mga chix!" iiling iling na bulalas ni Kulas. 

"Tss... ikaw talaga Kulas! baka kapag may nakarinig sa'yo isipin pang manyakis ako! haha! at ano nanaman ang nasagap mong balita't ganyan ang entrada mo sa 'kin?.. kalalaki mong tao chismoso ka!haha" sagot naman ni Elmo na napapailing na lang kay Kulas.

Kababata at magkasing edad lang sila ni Elmo, ang pagkakaiba lang nila... kung si elmo ay magandang lalaki't mtikas ang tindig, si Kulas naman ay Hindi katangkaran at payat...ngunit hindi mo naman masasabing pangit. Sa edad na bente uno anyos, si Elmo'y nsa 2nd year college pa din habang si Kulas ay tumigil na sa pag aaral nung makapagtapos ng High School. Nasa Hacienda sila ngayon at kasalukuyang nagpapahinga sa silong ng mangga dahil katatapos lamang pausukan ang mga puno.

"Aba'y Emong! wag ka ngang magmalinis jan! alam kong alam mo ang tinutukoy ko! usap usapan sa buong hacienda ang nangyari kay Elsa. Ayun at iyak ng iyak at nagkukulong pa rin hanggang ngayon dahil sa pakikipagkalas mo... at eto pa? ipinagpalit mo daw siya kay Katrina, yung dancer sa isang club sa bayan!" 

"Nagpapaniwala ka kasi sa chismiss Kulas! Alam mo namang kahit kelan ay hindi naman kami naging magnobya ni Elsa, kaibigan lang ang turing ko dun... at si Katrina?seryoso ka ba? i pina table lang yun ni Ricardo sa'kin yun nung isang gabing nagyaya mag inuman..." kamot ulo niyang tugon.

"Aba'y Emong, hindi ako pinanganak kahapon... maraming nakakita sa inyong hinila ka ni Katrina sa loob ng pribadong kwarto dun! hahaha...!"

Napapakamot lalo ng ulo at napangisi na lamang si Elmo sa sinabi ni Kulas. Tunay ngang may nangyari nung gabing yun sa kanila ni Katrina. Dala na rin ng epekto ng laka sa sistema nya, hindi na sya tumanggi at nagpadala na siya nang akayin siya ng babae sa pribadong kwarto ng club.

"Anong magagawa ko kung habulin ako ng mga babae? hindi ko kasalanang pinanganak akong magandang lalaki! hahaha" yun na lamang ang tangi nyang nasabi para tigilan na siya ni Kulas.

"ayown...eh di lumabas din ang yabang mo! ang sakin' lang naman... isama mo naman ako kapag may mga lakad kang ganyan para naman maka skor din ako! ang lagay eh nagsosolo ka!" ungot ni Kulas.

"tigilan mo naku Kulas.. hayaan mo't magkaclub tayo pagkatapos ko mag enrol bukas.. maligo ka't magbihis para naman hindi tayo nakakahiya dun. Pupuntahan ko lang si Elsa para kausapin." pagkasabi nyon ay sumibat na si Elmo upang puntahan si Elsa.

"Elsa... magandang gabi sayo.." Andito ako ngayon sa bahay nila Elsa, nasa sala kami ngayon.. kitang kita ko ang namumugto niyang mga mata na tila ba galing sa sobrang pag iyak. Wala mang dahilan upang ako'y makonsenysa... hindi ko pa rin maiwasan dahil hindi lingid sa kaalaman ko ang dahilan kung bakit siya nagdadalumhati.

"ma-magandan-g gabi din sa-yo Emong.. napa-d-aan k-a?" nauutal at nahihiyang sagot nya sa akin.

"Nabalitaan ko kasing may pinagdadaanan ka Elsa... Alam mong magkaibigan tayo, at ayokong nagkakaganyan ka dahil sa akin..."

"Emo-ng, pasensya k-ana... hind-i ko lang talaga map-igilan ang saril-i ko... at alam ko ding wala ako-ng kar-apatan para umasal ako ng ganito..."

"Patawarin moko Elsa... kung may magagawa lang ako para hindi ka na makaramdam ng sakit... mahalaga ka sa'kin dahil kaibigan kita... pero hindi ko lang kayang lumagpas pa duon.." nakayukong sabi ko kay Elsa... alam kong masakit sa kanya ang mga sinabi ko..pero mas magandang sabihin ko ito sa kanya..kesa lalo pa siyang umasa.

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon