xiii

2.7K 34 4
                                    

Natapos ang isang buong linggo ng nag uumapaw na kaligayahan ni Julie. Nasobrahan ba naman kasi ata sa kasweetan tong si Emong. Walang lumipas na araw na hindi sila nagkakasama. Pagnagkakahiwalay naman ay sabog ang inbox ng cp niya, at bawat text walang nabubura.

Nasa hacienda si Elmo ngayon dahil may trabaho sa manggahan. Linggo kasi kaya walang pasok. Nagpapahinga siya sa isang silong ng mangga.

"Buti na lang may unlimited texting at call... kung hindi mamumulubi ako neto..hihi.. matext nga mahal ko." Excited siyang itext si Julie.

_ mahal? pahinga po namin... gawa mo na? :) <3.

~~~ Message Sent

Hawak hawak pa rin ang cellphone niya at excited na hinihintay ang reply ni Julie.

_mmmm.... wala po mahal..iniisip lng kta,hintay ko txt mo eh.. wag maxado mgpagod huh?mizu <3

Lumapad ang ngiti ni Elmo... Halatang knikilig.. hindi niya namalayang nasa likuran na niya si Kulas na kanina pa siya tinitignan.

"Aysuuuuus!Kinikilig ang poota.... si Seniorita nanaman yan noh? " biglang sabi ni kulas na ikinagulat ni Elmo.

"Tangina naman Kulas eh...bakit ka ba sumusulpot bigla?"

"Ang sabihin mo...wala ka sa sarili dahil para kang naiihing kinikilig diyan! anong biglang sulpot?kanina pa ako andito..ikaw tong wala sa sarili!"

Nagkamot na lang ng ulo si Elmo saka bumaling na lang ulit sa cellphone niya. May reply kasi si Julie.

_ miz na miz na kita mahal.. :(

Nagtype naman naman agad ng reply si Elmo.

_ miz na din kita mahal.. sobra po! smile kn jan.. puntahan kita maya pede po? :)

Mabilis nagreply si Julie.

_ Mahal naman eh..xempre pede! subukan mong wag magpakita sakin..hmp! :)

Kailangan ng bumalik ni Elmo sa trabaho kaya nagpaalam na siya kay Julie.

_Mahal na mahal kita mahal ko! balik na sa work!mwah! <3 ;)

At hindi na niya nakita ang reply ni Julie. Magaan ang pakiramdam na bumalik sa trabaho kasabay ni Kulas.

" Dahan dahan ka diyan Emong... sobrang taas ni seniorita para sa mga kagaya natin! maswerte ka.... pero payong kaibigan lang.. malalim ang babagsakan mo niyan...." sabi ni Kulas habang naglalakd sila.

" Sa tingin mo ba bago ko pinasok to.. hindi ko naisip yan? pero bahala na Kulas.. masaya naman ako ngayon eh... bahala na bukas....." sagot ni Elmo saka nila inumpisahan na ang trabaho.

-

-

-

"EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!! " tili ni Julie na pinagsasabunit ang yakap yakap na unan.

"My Elmo's soo fucking sweet! OMGGGGeeeeeeeeeeeeeee!!!" tili pa ulit.

Nasa ganung posisyon siya ng may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Princess???? are you alright there? what happen at sumisigaw ka diyan?"

Napakagat ng labi si Julie.

"uh Dad nothing po! nagulat lang ako sa binabasa ko..ehe.... just don't mind me!" sigaw ni Julie. Hindi na siya bumangon.

"Ah ganun ba? Im gonna go visit sa manggahan... maybe you wanna accompany me??

~ Only Me&YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon