Three. Bothering coldness.

59.4K 692 27
                                    

Dedicated to FabulousPapatThanks for adding The Maniac's Cold Wedded Wife in you reading list!:*

---

Three. Bothering coldness.

SAGE

 

 

Nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa gwapo kong mukha. Woah! Cut the crap, Sage! Para kang nagtutula. Hahaha! K, kinakausap ko ang sarili ko.

Nagising ako nang walang katabi, as usual, ang babaeng yun umaandar na naman ang coldness. Iniwan na naman ako. Pero masaya pa rin ako sa nangyari sa amin kagabi, medyo parang malapit ko nang magiba ang wall na nasa pagitan namin ng asawa ko.

Minsan iniisip ko talaga ng mabuti kung ano ang naging kasalanan ko noon para maghiwalay kami bago kami kinasal. Uy! Gets nyo ba? Magjowa lang kami nun tapos nagbreak tapos pina-engage ng mga magulang namin at kinasal. Oh, gets nyo na? May kasalanan nga ako pero matagal na yun, may iba akong girlfriend nung nililigawan ko sya, pero nibreakan ko din naman yun ah nung naging kami na ni Sab.

Haaaaay Sabrina Hermaine! Umagang-umaga ikaw na naman ang iniisip ko!

Napasabunot nalang ako sa sobrang pag-iisip. Tumayo na ako at pinulot ang mga damit na kinalat namin ni Sab kagabi. Napapasmirk nalang ako sa pag-alala sa nangyari kagabi. ‘Malapit na Sage!’ sabi ng isip ko at pumasok na sa CR para magpagwapo kasi may pasok pala ngayon.

Nung bumaba ako, kumakain na si Sab nang breakfast. Saktong pagdating ko sa dining area, bigla naman syang tumayo. Ano na naman bang problema nang isang toh? Heto na naman ba kami? Parang di na naman mag-asawa?

“Good morning!” bati ko sa kanya with hopes so high na sana pansinin nya ako. Inirapan lang nya ako at hinugasan ang pinagkainan nya. Napa-tsk nalang ako kasi feeling ko heto na naman kami.

Kinuha na nya yung gamit nyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa at nilipat ito sa couch. Bakit ba ang bilis maglakad ng babaeng ito? Parang gustong palaging makalayo sa’kin. Umakyat sya sa kwarto nya kaya naman kinain ko na kung ano ang nakahain sa mesa. Saktong bumaba sya pagkatapos kong kumain, nakasuot na sya ng doll shoes at naaamoy kong mabango na sya. Ready na syang pumasok.

“Sab …” tawag ko sa kanya. Tinignan nya lang ako saglit at lumakad na papunta sa main door. Pero bago nya naipihit ang pinto ay “Pwede bang sabay tayong pumasok?” Pero di sya sumagot sa tanong ko, dire-diretso lang syang lumabas sa bahay. Nagmadali naman akong kunin ang bag ko at sinakbit ito tsaka lumabas na ng bahay.

Pasakay na si Sab sa kotse nya paglabas ko. Nagmadali akong pumunta sa kotse nya at hinawakan ang pinto ng kotse nya. Isasara na sana nya pero pinigilan ko at hinigpitan ang pagkakahawak dito. Tinitigan nya lang ako at walang pinapakitang emosyon sa mga mata nya. Sige na Sage, sabihin mo nang gusto mong sabay kayong pumasok at ihatid sya sa building nila.

“Sab, pwede bang …” di ko natuloy ang sasabihin ko nung tumingin sya sa relo nya na parang naiinip sa ginagawa ko. Pero kahit nasaktan ako sa little gesture na yun, tinuloy ko pa rin ang gusto kong sabihin.

“Pwede bang sabay tayong pumasok, Sab? Please?”

Lumabas lang sya sa kotse nya. Payag ba sya? Magpapaparty na ba ako kasi papayag syang sabay kaming pumasok. Kinuha nya lang ang kamay ko sa paghawak sa pinto ng kotse nya tsaka mabilis na pumasok ulit sa kotse nya at sinarhan ito.

Sabi ko nga eh, don’t keep your hopes high. Na-hopia ako brad!

Nung pinaandar na nya ang kotse nya, mabilis rin akong pumasok sa kotse ko. Dapat sabay kaming magpark, dapat sabay pa rin kaming makapasok sa school. Nakasunod naman ako sa kanya sa kalsada. Alam nya yatang nakasunod ako sa kanya kasi ang bilis nyang magpatakbo.

The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon