Eleven. Sweet.

36.1K 436 11
                                    

Dedicated to ThornSilver (: Thank you for adding TMCWW in you reading list and for reading my story and liking it! Thanks xx

---

Eleven. Sweet.

SABRINA

Nakatulog ako sa kotse kaya ginising ako ni Sage nung dumating na daw kami.

“Anong oras na ba?” tanong ko.

“3 am …”

“Oh my God! Di ka ba natulog?”

“Nagdadrive kaya ako. Pano ako matutulog?” pamimilosopo nya.

“Sabi ko nga eh! Namimilosopo pa! Magcheck-in na tayo ng matulog na tayo,” sabi ko sabay labas sa kotse.

May hinanda na pa lang suite dun para sa’min. Talaga pa lang regalo ‘to ni mama kay Sage. Sila talaga oh! Naku!

Pagdating namin sa suite ay agad na humiga si Sage sa kama.

“Ugh! Ansakit ng katawan ko!”

“Hey!” hila ko sa paa nya. “Hindi ka ba maliligo? Ambaho mo kaya!”

“Sabay tayo?” ngisi nya.

“In your dreams …” agad akong pumasok sa CR.

Tapos na akong magshower nang marealize kong wala pala kaming dalang damit. Pano na ‘to?

“Sage!” sigaw ko. Hindi siya sumagot. Nakatulog na ba agad sya?

“SAGE!” mas nilakasan ko ang sigaw ko.

“HOY SAGE!” sigaw ko pa ulit.

“What?” sagot nya.

“Wala tayong dalang damit. Balak mo palang mag-outing di ka man lang nagdala ng damit. Anong isusuot ko?” tanong ko sa may pinto pero di ko ito binuksan.

“Edi maghubad ka!” sagot nya.

“Peste! Paglabas ko sasapukin talaga kita!”

“I love you!” bigla nyang binuksan ang pinto.

“Hoy! Hoy! Oh my God! Anong ginagawa mo?” Wag nyong sabihing rereypin ako neto dito sa CR. Di ba ‘to makapaghintay? Whaaaaaaaaaaaa! My mind is corrupted.

“Binibigyan ka ng masusuot. Eto oh!” binuksan nya ng konti ang pinto at inabot ang isang bathrobe.

Nagmadali akong kinuha ang bathrobe tapos sinara ko na ang pinto. Sinuot ko ang bathrobe at mahigpit na tinali. For safety measures! Alam nyo naman yung asawa ko, maniac!

“Thank you!” sabi ko sa kanya paglabas ko.

“Syempre naman mag-asawa tayo eh!” sabi niya at nilapitan ako sabay pinunasan ang buhok ko.

Tumingala ako sa kanya at nginitian siya.

“Para madaling matuyo,” sabi niya ng nakangiti.

“Sige na, maligo ka na!” sabi ko at ako na ang nagpunas ng buhok ko.

Paglabas nya, nakabathrobe lang din sya. Wala kaming damit eh. May suot kaya sya sa ilalim ng bathrobe nya? Ako kasi meron eh. Hahahaha!

“Nilabhan ko yung damit natin ta’s nilagay ko sa dryer,” sabi niya at pinatuyo ang buhok.

Tumango lang ako. “Matulog na tayo,” sabi ko at humiga na. Tumabi din sya ilang minuto sa’kin.

The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon