Fifteen. What's with Sab?

34.1K 375 6
                                    

Dedicated to KaeMinHyo29Mydz :) Thank you for supporting my story! Mwaaaa xx

---

Fifteen. What's with Sab?

SABRINA

 

Pumunta kami sa kasal nila Lexie at Clifford na isang arranged marriage pala para ma-bind ang kani-kanilang negosyo. Mga dalawang lingo lang pagkatapos naming matanggap yung invitation ay kasalan na nila. Naalala ko tuloy yung kasal namin ni Sage. Kung wala kayang hiwalayan na nangyari sa’min, kung hindi ko kaya narinig yung sinambit nya nung gabing yun, siguro hindi ako nagmukmok bago ang araw ng kasal ko. Siguro hindi ako umiyak dahil sa sakit nung araw ng kasal namin, siguro dahil sobrang saya ang dahilan ng mga luha ko nun.

Hinawakan ni Sage ang kamay ko nung nakita nyang nagspace-out ako.

“Wife, okay ka lang ba?” tanong nya sa’kin ng may pag-aalala.

“Okay lang. No worries, husband,” at nginitian sya. Hindi ko nalang inisip pa ang nangyari nung araw ng kasal namin. Ayos na kami ni Sage, wala na akong dapat ipangamba.


Lumipas na ang ilang buwan nang masayang buhay namin ni Sage at birthday ko na naman.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa gilid ko. Napayakap ako sa tabi ko pero unan lang nayakap ko. Napabangon ako at wala si Sage sa tabi ko, tatayo na sana ako para lumabas nang biglang bumukas ang pinto.

“Happy birthday to you! Happy birthday my dear wife! Happy birthday to you!” kanta nya at may dala-dala pang cake na may kandilang number 20. Nagulat ako sa pagpasok nya pero napangiti rin ako nung narinig ko syang kumanta. Agad akong pumunta sa harapan nya.

Nag-isip muna ako ng wish at hinipan ang kandila. Napangiti rin sya sa’kin at nilagay ang cake sa bedside table at niyakap ako tsaka hinalikan sa noo.

“Thank you, Sage!” pagpapasalamat ko sa kanya nang bigla syang humiga sa kama at yakap-yakap pa ako kaya nakapatong tuloy ako sa kanya. “Oh my …” bulalas ko.

“So … how do you want to celebrate your birthday, misis?”

“Hmmm …” nag-isip pa ako pero mas gusto kong dito lang sa bahay at kami ni Sage. Yung masaya lang, gagawa ng bagong memories bilang mag-asawa pamalit dun sa mga panahon na parang hindi kami mag-asawa. “ … in anyway as long as I’m with you.”

“In anyway? How about … in the bed?” tanong nya at pinagpalit ang posisyon namin, sya naman ang nakapatong sa’kin. Pinagtataas pa nya ang kilay nya.

“Sage naman! Pero … pwede!” at nginisihan ko sya. Pinagkikiliti nya ako at tawa lang kami ng tawa.

“Hahahahaha! Sage … oh my God! Wait! Ahhhh … hahahahahaha!” at bigla syang tumigil sa  pagkiliti sa’kin habang nakahawak sya sa bewang ko.

“Wife …”

“Hmmm ?”

“Di ka pa ba buntis?” Napatitig ako sa kanya at umiling ako. Paniguradong may iba pa syang itatanong sa’kin. Gusto na talaga ni Sage na magkaanak kami, pero …

“Baog ba ako, wife? Ikaw? Nagpa-OB ka ba ni minsan? Wala ka bang nararamdamang symptoms man lang? Hindi naman kasi ako nagkocondom, diba?” hinawakan ko ang kamay nya.

“Sage … bata pa tayo. Pag handa na tayo, yung hindi na tayo nakadepend kina mommy at sa mama mo, bibigyan tayo. Okay?”

“Sab … sabihin mo nga … nagpipills ka ba?” bigla nyang tanong sa’kin. Ang totoo nyan, oo. Sa pananaw ko kasi, hindi pa kami parehas na handa ni Sage. Nag-aaral pa kami, halos lahat ng gastos sa bahay galing pa sa allowance na bigay ng mga magulang namin. Pa’no namin masasabing pamilya kami kung ang pinanggagastos namin ay hindi namin pinagsikapang pagtrabahuan. Ganun kasi ang naiisip ko minsan kaya tinago ko kay Sage na nagpipills ako para hindi muna ako mabuntis.

The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon