Dedicated to ann_niie :) Thank you for the positive comment! :)
---
Nineteen. Danger.
SAGE
Nasa hospital pa rin kami ni Sabrina. Bawal pa sya lumabas hangga’t hindi sinasabi ng doctor. Hinihintay pa kasi namin ang result ng exam ni Sab sa laboratory kung pwede ba syang maoperahan kahit na buntis sya. Pero kinakabahan ako baka ano namang mangyari sa baby namin. Hindi lang naman si Sab ang kailangang iligtas, dalawa sila kaya kailangang maingat ang bawat desisyon namin.
“Anak … umuwi ka na kaya muna … kagabi ka pa andito eh,” inakbayan ako ni mama. “… matulog ka na muna at maligo tsaka ka bumalik.”
“Eh ma … gusto kong malaman ang kada balita ng doctor.”
“Anak, andito ako. Tatawagan kita kung may problema …” sabi ni mama kaya niyakap ko nalang sya.
“Salamat ma …”
Umuwi ako sa bahay para matulog pero nung humiga na ako sa kama napatitig lang ako sa kisame at nag-iisip kung anong milagro ang hihilingin ko para gumaling lang ang asawa ko at masigurong ligtas ang anak ko.
Tatlong oras lang akong natulog at naligo tsaka nagdala ng ilang gamit sa hospital para hindi nalang ako uuwi pa sa bahay.
Dumaan ako sa simbahan kung saan kami kinasal at kung saan ako pinatawad ni Sabrina. Hindi ako magdadasal dahil sa nangangailangan ako. Magdadasal ako dahil naniniwala akong ibibigay ng Diyos. Na maririnig nya ang dasal ko. Naniniwala ako.
Lumuhod ako sa pinakaharap na parte, baka sakaling mas marinig ng Diyos ang dasal ko. Nagsimula na akong magdasal.
“Diyos ko …” huminga ako ng malalim. “… alam kong hindi ako perpekto. I wasn’t that good either. I don’t deserve to be in heaven for all my sins pero may karapatan naman siguro akong manalangin diba? Yung asawa ko … yung baby namin … bakit sila pa? Bakit si Sabrina pa ang nagkasakit ng ganun? Bakit sila pa ang nanganganib na mawala sa’kin? Bakit di nalang ako? Ako naman ang unang nagkasala sa relasyon namin ni Sabrina. Ako ang dahilan … kung bakit kami nagkaproblema noon pero …
“Gumawa ka ng milagro, pinatawad ako ni Sab. Minahal nya ako kahit na ang laki ng kasalanan ko. Ngayon … pwede bang iligtas mo sya? Hindi nya deserve ang parusahan, hindi nya deserve na masaktan … Iligtas Mo rin po sana ang baby namin … dahil gusto pa namin syang makasama, makitang lumaki at maalagaan bilang mga magulang nya. Sana gumaling na si Sab dahil …” tumulo pa ang isang butil ng luha mula sa mata ko..
“… di ko kaya ng wala sya. Di ko kakayanin kung mawawala sila ng baby namin.”
Napaiyak nalang ako. Wala akong pakialam kung may iilang tao ang nakatingin sa’kin dahil sa pag-iyak ko pero wala silang magagawa. Ganito kabigat ang nararamdaman ko ngayon. Ganito ka sakit. Ganito kakaba. Ganito ako katakot. Baka anong oras … mawala ang mag-ina ko.
Nung kumalma na ako mula sa pag-iyak ay dumaan ako sa restaurant at nagtake-out ng favorite food ni Sabrina na Carbonara para sumaya naman sya. Malungkot kasi si Sab palagi dahil gusto na nyang umuwi pero palagi ko lang syang sinasabihan na okay lang ‘yan dahil sinisigurada lang na okay lang sila ni baby kaya sumasaya na rin sya at kinakausap ang baby namin.
Papasok na sana ako sa kwarto ni Sabrina nang marinig ko ang pagsigaw nya.
“Ayoko nga nyan eh! Ayoko! Mapait! Ayoko! Gusto ko ng umuwi! Ayoko dito! Nakakatakot dito!” at narinig ko ang paghikbi nya. Binuksan ko ang pinto at pinapainom pala sya ni mama ng gamot. Tumingin sila pareho sa’kin at agad kong nilagay sa bedside table ang dala ko.
BINABASA MO ANG
The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)
General FictionSabrina Hermaine Arevalo is ought to marry her first boyfriend, love of her life and the only son of her mom's bestfriend, Felipe Sage Zapia III. Everything was perfect for the two, until that one night. Truly, you can't get back words you have alre...