Sixteen. Good news.

34.7K 442 7
                                    

Dedicated to neriyatim. Thanks for the comment for this chapter! :)

---

Sixteen. Good news.

SABRINA

 

Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso na ako sa kusina kasi gutom na gutom na talaga ako at traffic pa sa EDSA. Ta’s ang init-init pa sa daan, sana dinala ko nalang ang kotse ko pero hinatid kasi ako ni Sage kanina sa trabaho eh kaya hindi tuloy ako nakawala sa mainit at mausok at masikip na pagkocommute.

Pagtingin ko sa ref, puro gulay. Grabe si Sage! Di man lang nagbili ng yogurt? Ice cream? Cupcakes? Nutella? Sa susunod nga ako na mag-gogrocery!

Tumambay nalang ako sa sala at nanuod ng palabas sa cable. Ang boring palang maging taong bahay ng walang kasama. Di parehas nung kasama ko si Sage na taong bahay, hindi boring kasi nagtatawanan kami. Ahhhhhh!

Habang nakahiga ako bigla akong nakaramdam na naman ng pananakit sa dibdib at nahilo pa ako. Sinubukan ko sa abot ng aking makakaya na makarating sa kusina at agad akong kumuha ng tubig. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil nahirapan na rin akong huminga. Di ko na alam kung anong nangyari sa’kin at nakaramdam ako ng malamig sa buong katawan ko.

“Sab? Sab?” may tumatapik sa pisngi ko kaya nagising ako.

“Sa … Sage?” nasambit ko.

“Oh my God! Thank goodness at nagising ka na!” bulalas ng isang boses babae kaya napagtanto kong hindi ito si Sage. Si Nique pala.

“Ni … Nique?”

“Bes … Are you alright? I saw you lying sa sahig kanina. Did you … pass out?” alalang tanong nya sa’kin na may hawak pang ilang tablets at bimpo at may ointment at oil liniments pang hawak.

Nahimatay ako? Naalala ko bigla ang paninikip ng dibdib ko at yung hindi ako makahinga. Ano bang nangyayari sa’kin? Ilang beses ko na ring nararamdaman ang mga ‘to at hindi naman ‘to palaging nangyayari sa’kin eh kaya siguro napagod lang ako sa pagkocommute ko kanina. Siguro di lang ako nasanay na magcommute.

“Bes … bigla kasing … bigla kasing sumakit ang dibdib ko then nahilo ako. Nahirapan akong huminga.”

“What?” napatayo sya at nilapitan agad ako sa couch. “Did you tell Sage? I think kailangan natin syang tawagan. Magpacheck-up ka na, Sab. It isn’t something …”

“Nique …” putol ko sa sasabihin nya. “… okay na ako. And si Sage, maiistorbo lang sya. He’s very busy these days. Andami nyang pinag-aaralang business proposals and partnerships from other companies. Ayokong madagdagan pa ang pag-aalala nya. And okay lang ako. I feel good now.”

“Pero Sab …”

“No, Nique. I’m really fine. Uhhmm … bakit ka nga pala nandito?”

“Sab … nag-away na naman kami ng boyfriend ko,” bigla nag-iba ang mukha nya. Parang namuo ang luha sa mga mata nya. I can’t bear seeing my bestfriend like this. Ayokong nasasaktan sya dahil sa pag-ibig, isa din kasi ‘tong martyr eh.

“Nique, how many time do I have to tell you na hiwalayan mo na sya? Hindi ka nakikinig eh. It’s evident na he’s having another relationship behind your back pero nagbubulag-bulagan ka,” pagleleksyon ko pa sa kanya.

“Bakit si Sage? He once lied to you, diba? Bakit mo pinatawad? I just followed what you did, bes. And mahal na mahal ko talaga sya eh,” iyak pa nya sa braso ko. Naramdaman kong namasa ang braso ko dahil sa luha nya. Di ko aakalaing ang matapang kong bestfriend ay mahina pagdating sa love.

The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon