Eighteen. Bad ... news.

31.2K 356 11
                                    

Dedicated to FallingStarsss :) Thank you for liking my story and supporting it! Thanks xx Mwaaa!

---

Eighteen. Bad … news.

Nagising ako nang may humahaplos sa buhok ko. Si baby? Anong nangyari sa’kin kagabi?

“Wife … ayos ka lang ba?” bungad ni Sage sa’kin na puno ng pag-alala.

“Ahh … why? Ano bang …”

“Hinimatay ka kasi … and irregular yung heartbeat mo when I checked. Actually … I called your mom, nagpanic kasi ako. Last night pa sya andito and she’s downstairs now.”

“Ahh … ganun ba? Nahilo kasi ako bigla kagabi eh ... bago ako humiga …” pagsisinungaling ko.

“Sabi ni mama baka symptoms of pregnancy lang. Ganyan din daw kasi sya nun … so, okay ka lang ba talaga? Or do you want us to go to doctor?” Sana nga sintomas lang ng pagbubuntis na sumisikip at sumasakit ang dibdib ko. Papaano kung hindi? Papaano ang baby ko? Papaano si Sage?

“Huh!? No … I’m fine. Ikaw? It’s …” tumingin ako sa table clock at 10 na pala ng umaga. “ … how about your work?”

“No … you need me here so hindi nalang muna ako pupunta. Si daddy na’ng bahala dun …”

Napangiti nalang ako sa sinabi nya at hinawak-hawakan nya yung bump ng tiyan ko.

“Tumaba ba ako?” tanong ko.

“Ha!? Hmmm … hindi pa naman pero mukhang tataba ka … yata? Hahaha!”

“Ang sama mo! Ikaw nalang kaya magbuntis!” sigaw ko sa kanya pero pinitik lang nya ang noo ko.

“Joke lang eh … kahit ikaw nalang ang kasya sa kama, kahit XXL na ang size mo, kahit mas malaki pa ang braso mo sa’kin … mahal kita!” pambobola pa nya.

“Wag mo ‘kong ginaganyan Sage ah!? Pepektusan kita!”

Bigla namang pumasok si mommy sa kwarto.

“Anak … how are you feeling? May masakit ba?” tanong ni mommy at naupo sa kama.

“No … mom, wala na po …”

“Good. Maybe … it’s just normal na mahilo or mahimatay ka kasi you’re pregnant maybe you need to really rest. Mind as well magresign ka na … I understand you wanna work pero …” pinutol ko na si mommy dahil ayoko talagang manatili lang dito sa bahay ng mag-isa.

“Mom, Sage and I talked about this already … after 1 month, I’ll resign na … please?”

Tumingin si mommy kay Sage at tinanguan lang sya ni Sage kaya nginitian rin nya ako biglang pagsang-ayon ni mommy. Pinababa na rin kami ni mommy dahil kakain na kami.


Nung nag-Monday na ay pumasok na ulit ako sa trabaho at kinongratulate ako ng mga engineers at partner architect ko. Finally daw ay may little Sabrina or little Sage na silang makikita. Napangiti nalang ako sa kanilang lahat at nagpasalamat.

Isang buwan ang lumipas at nagtatrabaho pa rin ako pero kino-control ni Sage lahat ng ginagawa ko. Bawal ako ma-stress kaya dapat hindi ako matagal matulog. 10 pm ako matutulog at 6 am nya ako gigisingin para saktong 8 hours daw. Pinapabaunan nya ako palagi sa work ng gulay at prutas pero sumisikreto ako ng punta sa fastfood kasi nagke-crave ako ng manok lalo na pag maraming gravy.

Pero malimit ko pa ring nararamdaman ang pagsakit ng dibdib ko. Pero ngayon … sumasabay na ang minsanang hindi ako makahinga. Pero iniisip ko pa rin … baka wala lang ‘to. Sintomas lang.


The Maniac's Cold Wedded Wife (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon